Flash News
Mail RSS
Quezon Province
Loading...

Inihaw Festival , ipinagdiwang sa lalawigan ng Quezon


Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang taunang Inihaw Festival sa Brgy. Dalahican si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.Isinagawa ang naturang aktibidad sa harapan ng barangay hall na kung saan ay dimaluhannaman ito ng ilang mga reisdente sa lugar.
Dumalo rin dito sina Councilor Vic Paulo, dating executive assistant II Rogelio “Kuya Totoy” Traqueña, Brgy. Chairman Peter Castillo at ang may bahay nito, gayundin ang ilang mga kagawad ng barangay.
Ang nasabing inihaw festival ay bilang bahagi ng pagdiriwang nila ng Araw ng Dalahican na kung saan ay ito na ang pangatlong beses na kanilang ipinagdiriwang ang nabanggit na okasyon.Sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala, binati nito ang lahat ng mga nagsipagdalo sa pagdiriwang ng aktibidad na ito.Inihayag rin nito ang kaniyang buong pagsuporta sa taunang pagsasagawa ng Inihaw Festival sa nasabing lugar.
Gayundin sinabi nito na isang magandang pagkakataon ang pagdiriwang ng ganitong uri ng programa upang makilala ang kanilang barangay na siyang nagdadala ng mga sariwang isda Pinasalamatan naman ni Kapitan Peter Castillo si Mayor Alcala sa palagian aniyang pag-agapay nito sa kanila at palagiang sinusuportahan sa lahat ng kanilang mga programa at proyekto. Ang pagdiriwang ng Inihaw Festival ng Brgy. Dalahican ay isang paraan ng Sanguniang Barangay upang mas makilala ang kanilang lugar na mayroong mga sariwang isda na naghahatid sa palengke nang lungsod at maging sa iba pang mga bayan sa ating bansa. (PIO Lucena/ R. Lim)