Flash News
Mail RSS
Quezon Province
Loading...

Para sa hukbo ng mga taga-hanga ni Manny Pacquiao

Tumbas Manipis
by John A. Bello

Palalampasin ko na lang sana iyong mga comments sa post ko sa Facebook na malinaw na pabirong patutsada ko sa tinaguriang Pambansang Kamao. Pero nariyan yung kaisipan na hanggang ngayon ay palasak sa mga taong hangal at puno ng kababawan na kesyo dahil magaling si Manny Pacquiao sa boksing - at magaling naman talaga kita naman nitong kanyang huling pagkapanalo laban kay Lucas Matthysse ng Argentina - ay hulog na siya ng langit sa bansang Pinoy.

Oo, marahil sa larangan ng sports, sa boksing nga, pero yung pagpasok niya sa politika ay isang malaking kapahamakan sa bansa dahil malinaw na di siya bagay sa isang august deliberative body na kagaya ng Senado pagkat wala siyang kapasidad para maging kasapi roon, isa siyang ‘square peg in a round hole’, ok? Go figure it out, what that means to the millions apparently Manny-simple but simplistic and obtuse minds na lango sa paghanga kay Manny dahil kesyo siya lang ang nakakapagpahinto ng traffic sa Metro Manila, sa Metro Lucena at sa buong bansa pag siya’y may laban. Pero di ba naisip ng milyong mga bomoto sa kanya, na dahil sa simpleng kasikatan ni Manny ay nagawang manalo sa Senado, siya na di nga nakatapos ng high school at na accelerate na lang nitong magkamal na ng salapi dahil sa boksing at sa session Hall ng Senado ay kita naman ang kanyang kamangmangan, ang kanyang pagkukumahog na makaagpang at makaagapay sa pinag-uusapang mga isyu, ang kanyang garil at Carabao Inglis na syempre ay pamali-mali, wrong grammar, wala sa logic at hulog na pwede namang palampasin na rin kasi ang mahalaga si Manny ay marami ang natutulungan, maawain, mabait, mga katangian na, sa hukbo ng milyon niyang tanga-hanga ay pwede magdala sa kanya sa pagkapangulo ng bansa pagdating ng 2022 pagkatapos ng Poon ng Tokhang na si Katay Digong.

Pero ano ba nagawa ni Manny bilang Senador ng bansa? Wala naman kundi, matapos humanay kay Jejomar Binay noong nakaraang kampanyang 2016 ay agad lumipat ng bakod sa pagkapanalo ni Duterte sa pagkapangulo, at gaya ng maraming politiko kasama na ang karamihan sa mga oportunistang Delawan ay simpleng bumalimbing at ngayon, gaya ni Manny ay nagpakatuta sa Malakanyang... Turn to p/3 upang mabura, mapagtakpan ang anumang kasalanan sa bayan. At si Manny, ang mabait, maawaing si Manny, ay may P2.2 BILYONG PISONG PAGKAKAUTANG lang naman yan sa Bureau of Internal Revenue ayon sa assessment ng ahensiya dahil si Manny ay ayaw magbayad ng tamang buwis sa kanyang pagboboksing at maraming mangmang ang nagdurugo ang puso na kesyo pinaghirapan naman ni Manny ang kanyang kinita sa boksing na halos pagkamatayan ika at di gaya ng karamihan sa mga nasa opisina na paupo-upo lang pero pagkatapos ng buwan ay sumasahod ng pagkalalaking sahod at heto si Manny na ang kanyang kinita ay pinaghirapan niya, pinagtagasan ng dugo sa ring sa kanyang mga laban ay bakit naman daw hahabulin ng putang-inang BIR bakit hindi ang mga korap na opisyal?

Hellooo, at bakin naman magiging exempted sa BIR assessment si Aydol Manny dahil lang sa siya’y nakakapagpatigil ng trapik sa Metro Manila at Metro Lucena at siya’y Pambansang Kamao pa nga? Pastilan, mga bes, walang dapat sinisino ang batas, at ang BIR ay may batas na sinusunod na kapag natasahan ka ng bayarin mong buwis ay dapat bayaran mo at pag di ka nagbayad, na gaya ni Manny na itinatanggi ang kanyang P2 BILYONG PISONG PAGKAKAUTANG sa BIR ay simpleng sumagpi sa ruling power, kay Katay Digong nga, upang matabunan, makalimutan ng BIR ang kanyang bayarin buwis sa bayan.

Noong kampanyang 2016, di ga si Manny ay tigas ng pangako na pag siya’y manalo bilang senador ay magpopokus na lang siya sa Senado at di na magboboksing. Ngayon, nakailang laban na ba si Aydol Manny mula nang maging senador siya? Nagpokus ba siya sa kanyang gawain bilang senador, di kaya ang bulto ng kanyang panahon ay nawawaldas sa kanyang pagboboksing? Ang dami pang isyu laban kay Aydol Manny gaya ng kanyang sablay na mga pahayag sa reproductive health, sa gender issue, sa capital punishment, sa ‘God is stupid’ na pagbunganga ni Katay Digong at keep mum lang ang Pastor Manny dahil ika karapatan yan sa pananampalataya ng pangulo ang maniwala sa kanyang pinaniniwalaan kahit ‘God is stupid’.

Marami pa mga bes, mahirap na isa-isahin at nahaba na itong simpleng counter-paliwanag ko umaaydol kay Manny Pacquiao. Sa ngayon ay ito na muna at tama na siguro ito upang pagkapehan naman.

Kape, mga bes?