Flash News
Mail RSS
Quezon Province
Loading...

Biyaya ng Pasko

Tumbas Manipis
by John A. Bello

Tinitipa ko ang kolum kong ito ay ilang araw na lang at Pasko na naman. Kaliwa’t kanan ang pagdaraos ng Christmas party ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, ng iba’t ibang pribadong sector, ng mga magkakapamilya at magkakaibigan sa kahit saang dako ng mundo na naniniwala at nagdiriwang sa pagsilang ng Dakilang Lumikha tuwing Dec. 25.

Ang kapitolyo ng lalawigan ng Quezon ay nagsagawa na ng sarili nitong paskuhan para sa lahat ng empleyado ng pamahalaang panglalawigan noong Dec. 7 na ang tema ay ‘A very musical Xmas party 2018’ at isinagawa sa Quezon Convention Center. Ito’y tinampukan ng presentasyon at paglalaban-laban ng iba’t ibang clusters ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaang panglalawigan na nagpasiklaban ng awit at sayaw at syempre pa-raffle ng mga major at minor prizes na kinabibilangan ng mga pambahay na appliances, mga gadgets at iba pang mga xmas goodies.

Dumalo syempre at pinangunahan ang nasabing okasyon ni Gob. David ‘Jayjay’ Suarez at ng kanyang maybahay, ALONA partylist Rep. Anna Villaraza-Suarez, bise gobernador Sam Nantes at ng kanyang mga kasamahang bokal sa Sangguniang Panglalawigan, mga executive assistants na sina provincial administrator Roberto Gajo, acting chief of staff Diony Rodolfa, Juanito ‘Bong’ Diaz, at pinuno ng mga tanggapan at mga empleyado na ang karamihan ay nakasuot ng ayon sa tema ng kanilang lahok na awit at sayaw sa kompetisyon na ang pinakaunang gantimpala ay lumalagapak na P100,000.

Nagdaos naman ng Media Annual Assembly at paskuhan na rin para sa mga mamamahayag ng Quezon na isinagawa sa Queen Margarette Hotel Downtown at dinaluhan ni Lucena city mayor Rhoderick ‘Dondon’ Alcala. Tumayong emcee si city Public Information Officer Arnel Avila at sa tulong nina Gemi Formaran, Danny Ordonez at syempre ni Punonglungsod Alcala ay pinangasiwaan ang pamimigay ng regalo sa bawat isang mamamahayag alinsunod sa kagustuhan ng punonglungsod na mahandugan ng papasko ang lahat ng mga media practitioners sa Quezon.

Patunay na para nga sa lahat ng Quezon media ang naturang paskuhan ay kasama sa hanay ng naregaluhan si Sentinel Times publisher Nimfa Estrellado at ang kanyang pinsang si Irene Agnes Estrellado, managing editor ng Weekly Ritenews Journal, na kauna-unahang pagkakataon nilang makadalo at kapwa nagselfie pa sa isang tabi kasama si Punonglunsod Alcala.

Masaya ang paskuhan pero sana kasama din sa mabiyayaan ng pasko yung mga kapos sa buhay at maging kasangkapan sana sa pagbibigay sa diwa ng Pasko ang mga may kakayahan sa kabuhayan, ang mga pinuno ng iba’t ibang sangay at tanggapan ng pamahalaan para maging tunay na masaya ang lahat.

Anyways, kasabay ng kapaskuhan ay ang pagdaraos ng Miss Universe pageant na may pinakaunang kalahok na transgender na si Miss Spain Angela Ponce na pag nagkataon ay puwedeng manalo at tanghaling ‘pinakamagandang hayop sa balat ng lupa’. Kumbakit di ko napigilan iposte sa pesteng Pesbuk ang sumusunod na mga linya:

Perstaym yata na may transgender na kalahok ngayon sa pakontes ng pagandahan. Na may isang dating may lawit na sasabak sa pagandahan ng mga kapepehan at posibleng talunin ang tunay na kapepehan ng dating may lawit lang naman at taraaaaan, tanghalin bilang Miss Universe.

Iba na talaga ang kamada ng kabyutihan ngayon. Pastilan, bes.