Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

Bakasyon na nga ba?

Teacher’s Corner
by Annadel O. Gob

Tunay na hindi matatawaran ang sipag at dedikasyon ng mga guro. Kahit bakasyon patuloy pa rin ang kanilang pagsisilbi, “Para sa Bata, Para sa Bayan, ika nga. Ngunit marami sa mga guro ang dumadaing, wala naman talagang bakasyon. Baka nga BAKAsyon. Samut saring mga meme’s ang naglalabasan sa social media ukol sa bakasyon ng guro. Nakatutuwang isipin na marami sa atin ang idinadaan na lamang sa mga patama at patawa ngunit sa likod nito patuloy pa rin ang ang pagiging seryoso at dedicated sa trabaho.

Nitong mga nakaraang linggo, aligaga ang mga guro sa paghahanda ng kanilang Individual Performance Commitment and Review Form (IPCRF) . Ang IPCRF ay isang assessment tool na ginagamit ng mga kawani ng gobyerno upang masukat ang kanilang mga nagawa sa loob ng isang taon. Marami ang umaangal sa IPCRF sapagkat sandamakmak na papel ang kailangang ihanda sa halip na magpokus sa pagtututuro sa mga mag-aaral at mag-enjoy sa bakasyon.

Matatandaang may na-depress sa trabaho dahil sa dami ng paper works; ito umano ang dahilan kung bakit kinitil ni Emylou Malate, isang guro sa pampublikong paaralan sa Leyte ang kaniyang sariling buhay noong ika-14 ng Hulyo.

Ngunit mga kaguro, payong kaibigan. Iisa lang ang ating katawan. Kung napapagod, magpahinga. Pasasaan ba at matatapos din ang lahat ng ating gawain. One day at a time. Huwag dibdibin ang trabaho. Bigyan ng oras ang sarili. Mag-mall, manood ng sine, matulog, makipag-date, mag-travel at planuhin ang bakasyon upang ma-relax ang isip at katawan. Kung magaan at maaliwalas ang ating isip at damdamin, maibibigay natin lahat ng ating makakaya. Hindi naman tayo pinababayaan ng departamento, ang bawat serbisyong ibinibigay natin kung panahon ng bakasyon ay may kalakip na service credit.

Kung iisipin talaga labor of love ang nangingibabaw sa ating mga guro, hindi na bale umano mabawasan ang oras ng ating bakasyon at oras sa pamilya basta maibigay ang lahat ng makakaya para sa ating professional growth and development.

Sulitin ang bawat sandali ng ating bakasyon kasama ang mga kaibigan at pamilya.

Loading...