Dahilan sa nalalapit na ang kapaskuhan, maraming mga grupo at asosasyon sa lungsod ang nagsasagawa ng kani-kanilang Christmas party at inaa...
Dahilan sa nalalapit na ang kapaskuhan, maraming mga grupo at asosasyon sa lungsod ang nagsasagawa ng kani-kanilang Christmas party at inaanyayahan ng mga ito na maging panauhing pandangal si Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala.
Kaugnay nito, isinagawa ang kauna-unahang Christmas party ng ilang mga magsasaka at mangingisda sa lungsod open parking space ng Pacific Mall sa lungsod kamakailan.
Personal din dinaluhan ng alkalde ang nasabing aktibidad na ito upang maiparating ang kaniyang pagbati ng maligayang pasko at manigong bagong taon sa particular na sektor na ito na mamamayan ng lungsod.
Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, nangako itong hindi niya pababayaan ang mga bumubo sa sektor ng agrikultura sa lungsod gaya na lamang ng mga mangingisda at magsasaka na ito.
Kung kaya, agad niyang inaprubahan ang kahilingan ng hepe ng City Agriculturist Office na si Melissa Letargo ang Christmas party ng naturang sektor.
Dagdag pa ng punong lungsod, kaniyang ikinagalak na marami ang dumalo para sama-samang ipagdiwang ang nalalapit na kapaskuhan at tintiyak din niya na lagi siyang nakasuporta at kaisa ng mga ito.
Nang gabing iyon ay, ipinamahagi din ni Mayor Alcala sa mga magsasakat at mangingisda ng lungsod ang kaniyang munting regalo upang kahit papaano ay makatulong at maging mas masaya ang pagdiriwang ng kani-kanilang pamilya sa darating na kapaskuhan.
Samantala, nagpasalamat naman si Letargo sa alkalde dahil sa mga tulong na ipinagkaloob nito sa mga bumubuo ng sektor ng agrikultura sa lungsod. (PIO Lucena/ J. Escuterio)

No comments