Matapos ang matagal na paghihintay ng ilang mga tricycle driver at operators, nalalapit nang ilabas at ipamahagi ang mga bagong prangkisa n...
Matapos ang matagal na paghihintay ng ilang mga tricycle driver at operators, nalalapit nang ilabas at ipamahagi ang mga bagong prangkisa ng tricycle sa lungsod.
Ito ang magandang balita na inihayag ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isinagawang pagpupulong nito sa mga pangulo ng Tricycle Operators and Drivers Association o TODA kamakailan sa Eastern Priemier Cuisine.
Ayon kay Mayor Dondon Alcala, sinabi nito na maaring maipamahagi na ang mga tricycle franchise na ito sa buwan ng Disyembre.
Tinatayang nasa 3,000 mga bagong prangkisa ang binabalak na ipagkaloob sa mga tricycle drivers at operators na nag-apply para dito simula pa noong 2013.
Batay naman sa tala ng Tricycle Franchising and Regulatory Office, nasa mahigit na 1,600 pa lamang ang mga nakakakumpleto ng mga requirements para sa mga bagong prangkisa na ito habang nasa 1,400 naman ang mga hindi pa nakakakumpleto.
Ilan sa mga sinasabing dahilan sa hindi pa nakukumpletong papeles ay ang hindi pa naililipat sa pangalan ng may-ari ang nakuhang motorsiklo, hindi tamang sukat ng kanilang sidecar at iba pa.
Ang mga bagong prangkisa na ito ay mayroong apat na kulay na kinabibilangan ng asul na kung saan ay bimibiyahe sa bahagi ng Mayao Kanluran, Silangan, Parada at Castillo, pula na may biyaheng Mayao Crossing, Dalahican, Barra, Talalo-Talao, dilaw na para naman sa Iyam, Isabang, Talim, Bocohan at Domoit habang puti naman sa bahagi ng Cotta.
Ang mga bagong prangkisa na ito ay mayroong apat na kulay na kinabibilangan ng asul na kung saan ay bimibiyahe sa bahagi ng Mayao Kanluran, Silangan, Parada at Castillo, pula na may biyaheng Mayao Crossing, Dalahican, Barra, Talalo-Talao, dilaw na para naman sa Iyam, Isabang, Talim, Bocohan at Domoit habang puti naman sa bahagi ng Cotta.
Sakaling maibigay na ang mga prangkisang ito, madali nang malalaman ng mga ahensiyang manghuhuli sa mga pumapasadang tricycle ang mga kolorum at hindi.
Ang pagkakaloob ng mga bagong tricycle franchise na ito sa ilang mga Lucenahin ay batay na rin sa kahilingan ng mga ito na maging lehitimong namamasada sa lungsod at maiwasan na maituring na kolorum. (PIO Lucena/ R. Lim)



No comments