Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang isang araw ...
Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang isang araw na pagdiriwang kaugnay ng National Observance of the 18-day Campaign to End Violence Against Women sa Provincial Auditurium noong Disyembre 12.
May temang “VAW-free community starts with Me” ay dinaluhan ng mga Municipal at City Womens' Coordinating Council, Provincial Committee on Anti-trafficking; Municipal councilors, ABC Presidents, barangay captains, VAW Desk Officer, PNP Womens Desk Officer, Municipal Social Welfare and Development Officer, mga mag-aaral mula sa St. Bridget's College, University of Batangas at Lyceum of the Phils., non-government organizations at civil society.
Ayon kay Atty. Gina Reyes-Mandanas, maybahay ni Governor Hermilando Mandanas at kasalukuyang Presidente ng Provincial Womens Coordinating Council Batangas Inc. (PWCCBI) at Samahang Batanguena, ang aktibidad ay ginawa bilang pagsuporta na tuluyang maiwaksi ang karahasan na nararanasan ng mga kababaihan hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong mundo.
“Tayong mga kababaihan ay hindi dapat nakakaranas ng anumang uri ng pananakit pisikal man o sa kalooban sapagkat ito ay malinaw na paglapastangan sa ating pagkatao.” ani Mandanas.
Sinabi naman ni Atty. Gerville Luistro, Secretary ng PWCCBI na may ginagawa ang pamahalaang panlalawigan upang ito ay matigil na tulad ng education information campaign sa municipal at barangay level, pagsasagawa ng gender sensitivity training sa pagkakapantay ng babae at lalaki; pagsasagawa ng mga seminar upang mapalakas ang VAW Desk sa barangay level at pamimigay ng VAW advocacy materials
Tinalakay naman ni Atty. Anna Luz Cristal, President Women Involve in Nation Building (WIN) Inc. ang iba’t-ibang batas na naaangkop sa karapatan ng mga kababaihan tulad ng RA 7877 o Sexual harassment Law; RA 8353 o Anti-Rape Law of 1997; RA 8505 o Rape Victim Assistance and Protection Act of 1998,RA 9208 o Anti-Trafficking of Persons Act at RA 9262 o Anti Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Ang VAWC Law ay naipasa nong Pebrero 2004 at nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Marso 2004 dahilan sa dami ng bilang ng mga babaeng dumaranas ng pang-aabuso.
Ayon kay Cristal, ang VAWC ay itinuturing na isang public crime at maaari itong isampa ng kapamilya,barangay officials, social worker o concerned citizen.
May iba’t-ibang uri din ang pang-aabuso sa kababaihan. Maaaring ito ay sa aspetong pisikal, sekswal, pinansyal o ekonomik at sikolohikal.
“Maaaring ituring na VAW ang pamimilit ng isang lalaki na makipagtalik ang kanyang asawa o partner sa kanya na labag sa kalooban nito, tinatawag itong marital rape at isang malaking ground ito upang makasuhan alinman sa asawang babae o lalaki.”, ani Cristal.
Samantala, tinalakay naman ni PCI Rosel Encarnacion, Chief Provincial Investigation and Detective Management Branch ng Batangas Police Provincial Office(BPPO) ang estado ng VAW sa lalawigan kung saan batay sa tala ng kapulisan mula 2013 hanggang 2016 ay mag pagbaba at pagtaas sa bilang nito.
“Dalawa lamang po ang maaaring dahilan nito, either tumaas ang awareness ng biktima o sadyang tumaas ang insidente na napapareport sa amin. Marami po sa mga kababaihang nakakaranas nito ay hindi na nagpapablotter dahil ayaw nilang mapag-usapan ang kanilang buhay lalo na sa sariling barangay. Ito rin po ang dahilan kung bakit ngayon ay may pink blotter book na tayo na ginagamit sa barangay ng mga VAW Desk Officer upang hindi ang nakatala dito ay maging confidential.”, ayon pa sa opisyal.
Sa taong 2016, may pinakamataas na kasong naitala ang Batangas City na umabot sa 77 sinundan ng Lipa City na may 27 at Tanauan City 15. (GG/BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)

No comments