Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Farm Tourism sa Tanauan City, isinusulong

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas (PIA)- Isinusulong ang farm tourism sa lungsod na ito partikular sa anim na nasasakupang lakeshore barangays. ...

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas (PIA)- Isinusulong ang farm tourism sa lungsod na ito partikular sa anim na nasasakupang lakeshore barangays.

Kabilang sa mga ito ang Wawa, Ambulong, Banadero, Boot, Maria Paz at Gonzales na mas kilala sa tawag na La Playa de Tanauan.

Ayon kay Vice Mayor Jhoanna C. Corona patuloy ang pamahalaang panglunsod sa mga proyektong magpapatatag ng sistemang pansakahan. Hindi lamang ang mga lokal na produkto ang maiipakita dito kundi maging ang yaman at ganda ng mga lakeshore barangays.

Sa isang pagpupulong na isinagawa sa Brgy. Gonzales noong Enero 24 na dinaluhan ng iba’t-ibang sektor na mula sa nabanggit na mga barangay ay sinimulang balangkasin ang mga proyekto upang palakasin ang industriya ng farm tourism dito.

Layon nitong maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga Tanaueno sa pamamagitan ng direktang pakikibahagi sa pagpapalago ng turismo. Ilan sa mga nakikitang paraan upang maisakatuparan ito ay ang pagpapaunlad ng farm practices, pagsasagawa ng mga alternative recreational facilities at iba pang aktibidad na pwedeng paglibangan.

Ilan sa mga planong binuo upang isakatuparan ang hangaring ito ay ang patuloy na pagpapalinis ng baybayin ng lawa ng Taal, pagtatanim ng mga prutas at gulay at paglalagay ng pick and pay, horseback riding, carabao riding, paglalagay ng karagdagang water activities bukod sa dragonboat at kayaking na karaniwang ginagawa na dito.

Kaugnay ito, nagpahayag naman ng buong suporta ang mga magsasaka at iba pang stakeholders sa mga nabanggit na aktibidad na napagkasunduan sa pagpupulong. (GG/BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGASwith reports from CIO Tanauan)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/681485761538/farm-tourism-sa-tanauan-city-isinusulong#sthash.3nWPeY2w.dpuf

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon