Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

Utos ni Bello, Imbentaryohin, mga OFW na nakakulong

MANILA - Inatasan ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang lahat ng labor attachés na nakatalaga sa iba’t ibang bansa na magsagawa ng imbentaryo ng mga nakakulong na overseas Filipino workers (OFWs), partikular ang mga nahatulan ng bitay, at palakasin ang pagbibigay ng tulong sa mga ito.



“Inatasan ko sila na magsagawa ng kumpletong imbentaryo ng mga nakakulong na OFW, lalo na iyong nahatulan ng kamatayan. Gusto kong malaman kung anong tulong ang maaari maibigay sa kanila,” ani Bello.



Kanya ring sinabi na inatasan din niya ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) na bigyan ang mga nasabing OFW, dokumentado man ito o hindi, ng nararapat na ayuda at serbisyo upang matulungan ang kanilang mga pamilya.



“Sila man ay regular at dokumentado, o hindi regular at hindi rin dokumentado, nararapat lamang na siya ay makatanggap ng libreng tulong-legal, tulad ng paghahanda ng mga susuportang dokumento.”



Samantala, umaasa si Bello na mapipigilan ng pamahalaang Pilipinas ang pagpataw ng parusa kay Elpidio Lano sa Kuwait matapos makapagtakda ng pagpupulong sa pamilya ng namatay na kapwa Filipino.



Nahatulan ng kamatayan si Lano matapos umanong patayin ang kapwa Filipino na si Nilo Macaranas noong Hunyo 17, 2014.



Sinabi ni Bello na nakatakda siyang makipag-usap sa asawa ni Nilo Macaranas upang kumbinsihin ito na ibigay ang kapatawaran at tanggapin ang blood money.



“Umaasa kami na ibababa ang sentensiya ni Lano sa pagkakulong, at sana, ang kanyang kalayaan,” ani Bello. (DOLE)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/1141485834124/filipino-news-utos-ni-bello-imbentaryohin-mga-ofw-na-nakakulong#sthash.voQo7XRk.dpuf

0 comments:

Post a Comment


Loading...