Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kaso vs land reform beneficiaries sa Quezon, iniurong

LUCENA CITY, Quezon - Ang mga kasong kriminal na iniharap laban sa 35 benepisaryo ng land reform program ng pamahalaan ukol sa sa umano’y p...

LUCENA CITY, Quezon - Ang mga kasong kriminal na iniharap laban sa 35 benepisaryo ng land reform program ng pamahalaan ukol sa sa umano’y pagnanakaw ng mga niyog sa Bondoc Peninsula district sa lalawigan ng Quezon, ay iniurong na ng Tanggapan ng Panlalawigang Tagausig.Sa kabiia nito, isa sa mga lider, si Maribel Luzara na siyang pangulo ng Kilusang Magbubukid ng Bondoc Peninsula (KMBP), ay muling nahaharap sa 13 bagong kaso ukol naman sa pagnanakaw pa rin at anti-fencing law. Ang mga ito ay naisumite na sa San Francisco PNP ng mga caretakers ng Hacienda Matias.

“Inaasahan ko na ang pagbaha ng mga warrant of arrest na susunod na mangyayari, maliban na lamang kung kikilos ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan nang agaran upang matapos na ang mga kasong ito ng kawalan ng hustisya o katarungan”, pahayag ni Luzara.

Noong Huwebes, tinanggap ng KMBP ang kopya ng motion for withdrawal ng Provincial Prosecutor’s Office.

“Sa pagreview sa mga ebidensya, nakita na kailangang i-withdraw ang information at i-refer ito sa provincial agrarian reform office para sa karampatang aksyon”, ayon kay Ramon Dominguez, Jr., deputy provincial prosecutor ng Quezon sa kanyang mosyon na inihain noong Mayo 22 sa RTC Branch 96, Catanauan town.

Sinabi ni Cornelio Villapando, pinuno ng Department of Agrarian Reform (DAR) Quezon II na maglalabas siya ng sertipikasyon na ang mga kaso ay “not fit for trial”.

Ang mga kinasuhang magsasaka ay nagtago na matapos lumabas ang court order para sa pag-aresto sa kanila ay kabilang sa talaan ng DAR bilang mga land reform beneficiaries, habang ang iba pa ay nabigyan na ng certificates of land ownership award sa matias estate.

Kabilang sa mga ito si Samuel Cuervo, 62 na inatake sa puso noong Hunyo 4, 2017 at namatay habang dinadala sa ospital sa Lucena City.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon