Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

DTI-Quezon, nagtayo ng Negosyo Center sa Pagbilao

PAGBILAO, Quezon - Ang Department of Trade and Industry (DTI-Quezon) sa pakikiisa ng Quezon Micro, Small and Medium Enterprises Developmen...

PAGBILAO, Quezon - Ang Department of Trade and Industry (DTI-Quezon) sa pakikiisa ng Quezon Micro, Small and Medium Enterprises Development Council at ng lokal na pamahalaan ng Pagbilao ay nagtayo ng ‘Negosyo Center sa Sentrong pangkabuhayan building, sa bayang ito kamakailan.

Layunin ng Negosyo Center na matulungan ang mga taong nagnanais magtayo ng negosyo o mga taong may negosyo na sa pamamagitan ng pagpapayo kung paano mapapatakbo at mapapaunlad ang kanilang negosyo.

Bukod rito, matutulungan din ang mga taong nais magtayo ng negosyo sa pamamagitan ng pagpapatala ng pangalan ng negosyo o ‘business registration assistance’ gayundin ang pagsasagawa ng mga pasasanay at mga dialogue upang mapalakas at mapalago ang negosyo.

Ang itinayong Negosyo Center sa bayan ng Pagbilao ay pang walo na naitayo ng DTI sa lalawigan ng Quezon at ito ay alinsunod sa Republic Act 10644 o ‘Go Negosyo Act’.

Isinagawa ng Department of Trade and Industry ang pagtatayo ng Negosyo Center upang makalikha din ng maraming trabaho para mga tao partikular yaong mga walang hanapbuhay.

Dumalo sa nasabing okasyon sina DTI-Quezon provincial director Julieta Tadiosa; Pagbilao Mayor Shierre Ann Portes- Palicpic; 1st district board member Gerry Talaga; Pagbilao municipal administrator Ian Palicpic, municipal councilor Celedonio Dapla, mga staff ng DTI-Quezon gayundin si Rev. Fr. Ferdinand Maano. (GG/Ruel Orinday/ PIA-Quezon)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.