Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Yakap Bayan Project “USAD” Tuloy Tuloy

By Boots R Gonzales Lungsod ng Lucena, Quezon – Noong nakaraan buwan nagtapos ang limampung (50) drug surrenderes na magmula saibat –ib...

By Boots R Gonzales

Lungsod ng Lucena, Quezon – Noong nakaraan buwan nagtapos ang limampung (50) drug surrenderes na magmula saibat –ibang barangay sa lungsod ng Lucena sa ilalim ng programang “Yakap Bayan Project” O USAD (United Alliance Against Dangerous Drugs) /Masa Masid ( Mamamayan Ayaw Sa Anomalya – Mamamayan Ayaw Sa Droga)

Ang programa ay nasa pangunguna ng Quezon PPO kaakibat ang lokal na pamahalaan , NGO’s , business sectors , members of the academe at iba pang concern citizen.

Layunin ng programang ito na isailalim sa labing limang araw Community Base Rehabilitation Program ang mga nagboluntaryong sumukong drugs defenders.

Noong Martes July 4 , 2017 muling pormal na nman binuksan ang nasabing programa para sa second batch na sasailalim dito. Makikipagtulungan ang ibat –ibang ahensiya ng lokal na pamahalaan tulad ng City Department of Interior Government , Provincial Government of Quezon , Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ( PDRRMO ) ganun din ang DOH at DSWD.

Ayon Kay PSSupt. Rhoderick C Armamento – Acting Provincial Director nagpapasalamat siya sa ama ng lalawigan ng Quezon Gov David Jay Jay Suarez sa pagsuporta at tumulong sa kanilang adhikain na maging matagumpay ang nasabing programa. Anya sana ang mga sumasailalim sa programang ito ay tuloy –tuloy na ang pagbabago at din na babalik sa kanilang dating bisyo at maliligaw ng landas.

Patuloy anya ang pagmomonitor ng mga kapulisan at doon sa mga naunang nagtapos ay magiging katuwang na sila sa pagmamantine sa peace and order dito sa lungsod o dito sa lalawigan ng Quezon. Nagpasalamat din si Armamento sa aktibong partisipasyon ng mga religious leaders sa pagtulong sa kanila sa pagtupad ng Project Tokhang 2 , at nalinawan ang mamamayan na talagang seryoso ang kapulisan s a kanilang adhikain na mailigtas sila mula sa salot na droga at maibalik sila bilang mga responsableng mamayan ;.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon