Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

ATIN – ATIN DOS DAYCARE CENTER NUTRITION DAY CELEBRATION

Nutrition Month Celebration Atin -Atin Dos Daycare Center, Marketview LucenaCity. By Boots R. Gonzales Lungsod ng Lucena, Quezon – Wala...

Nutrition Month Celebration Atin -Atin Dos Daycare Center, Marketview LucenaCity.
By Boots R. Gonzales

Lungsod ng Lucena, Quezon – Walang katumbas na kasiyahan ang makikita sa mga Mommy’s at mga bata nang ipinagdiwang ang Nutrition Day ng Daycare Center ng Marketview Atin Atin Dos na kung saan ginanap ito sa Multi Purpose , Brgy Market view , Lucena City. Noong Hulyo 21, 2017 na ang tema ay Healthy Diet , Gawing Habit For Life.

Inumpisahan ang simpleng programa ng isang panalangin na kung saan pinangunahan ni Mommy Rose Ann Paredes ganu din sinundan ito ng pambansang awit na pinangunahan pa rin ng isang Mommy na si Mommy Emma Cuasay. Nagbigay ng maikling mensahe si Teacher Analyn Palma ganun din siya ang nagpakilala sa mga panauhin pangdangal sa araw na iyun . Ang naging panauhin pang dangal ay walang iba kungdi ang masipag na Brgy Chair Edwin Napule ng nasabing brgy.

Tuloy - tuloy na ang programa na kung saan ang mga bata ay nagpakita ng gilas sa pamamagitan ng kanilang sayaw , pagkatapos namili si teacher Analyn ng pinaka best custume of the year . Tuloy –tuloy ang maiksing programa sa pamamagitan ng bonding ng mag momm’y at daddy’s na dumalo sa munting salo – salo na inihanda ng samahan.

Ang munting salo –salo at programa ay pinagdiwang kaugnay sa buwan Nutrisyon na kung saan inatas ito noong Hulyo 24, 1974 sa ilalim ng Sec. 7 PD 491 at mas nakikilala bilang Nutrisyon Act of the Philippines . Ayon sa batas na ito ang buwan ng Hunyo ay itinalagang Buwan Ng Nutrisyon nang mabigyan ng kamalayan ang bawat Pilipino at malaman kung ano ang kahalagahan ng Ntutrisyon.

Ang kalusugan ay kayamanan na dapat ingatan at alagaan sa wastong pamamaraan , sapagakat ito ang magiging batayan upang mapapalayo sa mga sakit , hindi lamang sa mga bata pati na rin sa mga magulangin. And nasabing programa ay ginaganap tuwing buwan ng Hulyo taon –taon na kung saan layon ng programang ito mabigyan ng atensyon ang publiko ng tamang gabay kaugnay sa tamang nutrisyon.

Pinasalamatan din ni Teacher Analyn Palma ang group of officers na sina Boots Gonzales – President , Ronnie Venenzuela – V-Pres, Emma Cuasay – Sec , Maichelle Armamento – Treaurer , Liziel Eroles –Auditor , Jennifer Dinado –PRO at CHE –CHE Armamento – Muse , ganun din sa lahat ng mommy’s ng Daycare Atin – Atin Dos morning session sa pagbigay ng suporta sa lahat , particular kay Michelle Armanento na kung saan siya at sampu ng kanyang mga kasamang mommy’s na naging punong abala sa nasabing okasyon .

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon