Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Booth ng lungsod ng Lucena sa Niyugyugan Festival, binisita ni Mayor DOndon Alcala

Upang personal na makita ang ganda ng itinayong booth para sa pagdiriwang ng Niyugyugan Festival, personal na binisita ni Mayor Roderick ...

Upang personal na makita ang ganda ng itinayong booth para sa pagdiriwang ng Niyugyugan Festival, personal na binisita ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang panlabang booth ng lungsod ng Lucena kamakailan. Sa pagtungong ito ni Mayor Dondon Alcala, kapansin-pansin ang kasiyahan ng mga taong nagdaraan dito na kung saan ay nagkaroon pa ang iba sa mga ito na makapagpakuha ng litrato. Maging ang mga taga ibang bayan sa lalawigan ng Quezon ay nakisaya sa pagpapakuha ng laitrato na ito na lubos namang ikinatuwa ng alkalde at maging sa ibang bayan ay nakikilala siya ng mga tao dito.

Nagkaroon rin ng pagkakataon ang punong lungsod na mag-ikot at makita ang booth ng iba’t-ibang bayan nang magtungo ito sa lugar. Sa nasabing booth, nakadisplay dito ang mga produktong ipinagmamalaki ng Lucena na kung saan ay ang tinapa at chami. Isang magandang pagkakataon rin ito upang maipakita ang iba pang produkto ng lungsod tulad ng mga organikong gulay, isda at marami pang iba na galing naman ng mga magsasaka sa lungsod. Pinangungunahan ni City Agriculturist Melissa Letargo ang komitiba ng booth ng Lucena para sa Niyugyugan Festival na kung saan ay kasama rin niya dito si City PESO Head Arnold Cayno.

Kung matatandaan, noong nakalipas na taon ay personal ring tinungo ni Mayor Alcala ang booth ng Lucena na kung saan sa unang pagsali nito sa Niyugyugan Festival ay nakamit nito ang ika-7 pwesto sa nasabing kategorya. Ang pagtungong ito rin ni Mayor Dondon Alcala sa nasabing booth ay upang ipakita nito ang pagsuporta sa lahat ng mga taong naging abala para sa paghahanda dito na ipakita ang kagandahan ng lungsod ng Bagong Lucena at ang mga produktong ipinagmamalaki ng syudad.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon