Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Programa ng LMSTC, malaki ang tulong sa mga residente ng Brgy. Cotta ayon kay Chairwoman Annalou Alcala

Dahilan sa training na ipinagkakaloob ng mga tauhan mula sa Lucena Manpower Skills and Training Center, malaki ang naging tulong nito sa mg...

Dahilan sa training na ipinagkakaloob ng mga tauhan mula sa Lucena Manpower Skills and Training Center, malaki ang naging tulong nito sa mga residente ng Barangay Cotta. Ito ang buong pagmamalaki ni Brgy. Cotta Chairwoman Annalou Alcala sa panayam ng TV12 kamakailan hinggil sa mga isa sa livelihood program msa kanilang lugar.

Ayon kay Chairwoman Alcala, sa ngayon ay nalalapit na ang pagtatapos ng tinatayang mahigit sa 70 mga residente ng kanilang barangay mula sa kanilang kurso sa LMSTC na welding, hair science at massage theraphy. Dagdag pa ng kapitana, kanila nang binuksan ang programang ito para sa lahat ng mamamayan ng Brgy. Cotta upang sa ganun ay magkaroon ang mga ito ng dagdag kaalaman na makatutulong para sa kanilang pamumuhay. Bagamat aniya sa umpisa ng paglulunsad ng ganitong uri ng programa ay medyo nahirapan sila lalo na sa pagkumbinsi ng mga magiging benipisyaryo nito, naging mabunga naman ang kanilang paghihirap na ito sa pamamagitan ng pagdami ng mga nagnanais ngayon na mag-enroll sa naturang proyekto.

Ayon pa rin kay Alcala, sa ngayon rin ay marami na ang nagpapalista sa kanilang barangay hall para sa muling pagbubukas nito ng second batch. Lubos ring pinasalamatan ni Kapitana Annalou Alcala si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa pagtulong nito sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga tauhan ng LMSTC at sa walang sawang pagtulong nito sa kanilang barangay.

At sa panig naman ng Sangguniang Barangay ng Cotta, buong ipinagmalaki ni Chairoman Alcala na kanilang binibigyan ang mga estudyante nito ng mga tinatawag na starter kit bilang ayuda nila sa mga nag-aaral dito.

Dagdag pa rin ng kapitana, bago pa man na magsipagtapos ang mga ito ay maari na nilang gamitin ang ipinamahaging ito ng barangay upang makapagsimula ng kanilang sariling hanap buhay.

Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng proyekto para sa lahat ng mga residente ng Brgy. Cotta ay dahilan na rin sa pagnanais ni Chairwoman Annalou Alcala na mas madagdagan pa ang kaalaman ng kaniyang mga nasasakupan bukod pa rin dito ang pagkakaroon nila ng pagkakakitaan. Isa pa rin sa dahilan ni Kapitana Alcala ay ang mailayo ang mga ito sa masasamang bisyo tulad ng droga at makatulong para sa ikauunlad ng kanilang buhay. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon