Launching of the Ayuda Medikal sa Barangay Program in Zamboanga del Norte, September 18, 2017. Lunsod ng Lucena, Quezon - Isinagawa nit...
![]() |
Launching of the Ayuda Medikal sa Barangay Program in Zamboanga del Norte, September 18, 2017. |
Layunin ng nasabing pagsasanay na mapaunlad ang beekeeping sa lalawigan sa pamamagitan ng pagdaragdag at paglinang ng kaalaman at kapasidad ng mga tagapag-alaga ng bubuyog (beekeeper) sa wastong pamamahala ng produksyon ng pulot sa lalawigan.
Pinangunahan ni Dr. Blesida M. Calub, University Researcher and Program Leader mula sa University of the Philippines Los Baños (UPLB) ang mga tagubilin tungkol sa nasabing pagsasanay na sinundan ng masusing pagtalakay ni Dr. Cleofas R. Cervancia, Professor Emeritus and Program Leader ng Bee Program mula rin sa University of the Philippines Los Baños ang mga paksa ukol sa Importance of Beekeeping, Products from the Hive, Species of Bees at Bee Biology and Behavior.
Nagkaroon din ng demonstrasyon at pagbabahagi ng karagdagang impormasyon si G. Elmer A. Polintan, University Researcher ng UPLB Bee Program, gaya ng Bee Pasture Development, Bee Production Processing, Honey Quality at paggawa ng sabon at lip balm na gawa sa pulot katuwang si Gng. Myrna D. Merillo, mula rin sa UPLB Bee Program, University Researcher.
Sumailalim din ang mga tagapag-alaga ng bubuyog sa isang workshop ukol sa wastong pamamalakad, pagpaplano at mga natutunan sa huling bahagi ng pagsasanay. (OPA-Information and Training Unit / Quezon-PIO)
No comments