Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Isang Babae Patay Sa Riding In Tandem

by Boots Gonzales Lucena – Isang babae na nakilala sa pangalan Arlene Briones Alcala 38 taong gulang na residente ng San Juan Estates Avida...

by Boots Gonzales

Lucena – Isang babae na nakilala sa pangalan Arlene Briones Alcala 38 taong gulang na residente ng San Juan Estates Avida Isabang Tayabas Quezon ang pinagbabaril ng di pa nakikilalang mga salarin.

Ayon sa inbestigasyon noong isang linggo Oktubre 24 (huwebes ) taong kasalukuyan habang binabaybay ng biktima ang kahabaan ng Maharlika hiway at minamaneho ang kanyang kotse nang biglang may sumolpot na nakasingle motorcycle at pinagbabaril ang babae sa may Barangay Ilayang Iyam lungsod ng Lucena ng mga alas sais y media ( 6:30 pm ) ng hapon. Agad naman naitakbo pa ang nasabing biktma sa Lucena United Doctors Hospital and Medical Center ngunit na ideclare dead on arrival ang biktima ni Dr Oliver Pagdilao dahil sa natamo nitong tama ng bala sa ibat-ibang bahagi sa katawan. Sa ngayon ang insidenteng pamamaril ay ini-inbestigahan pa at tinitingnan kung ano ang motibo nito.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon