Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

2 Shooting Incident sa Magkahiwalay na bayan sa lalawigan ng Quezon

By Boots R. Gonzales

LUCENA CITY, Quezon -- – Isang tawag ang natanggap ng Police Lucena noong araw ng Undas Nobyembre 1 , 2017 galing sa isang concern citizen kaugnay sa naganap na pamamaril sa Purok Greenhills Phase 2 Brgy Marketview , Lucena

Ayon sa inbestigasyon ng mga pulis mga alas 7:15 ng gabi nagkaroon ng alitan sina Romeo Cadano Garcia” aka “ Pasong (biktima) ng Purok Greenhills Brgy Marketview , Dominic Rosella (suspek 1) at Marlon Rosella (suspek 2) pareho ng nasabing lugar . Ayon sa isang witness nagtatalo ang 3 hingil sa isang insidente na diumano na naganap sa Batangas. Hindi nagkaroon ng magandang usapang ang tatlo hanggang sa humantong ito sa pamamaril. Ayon sa witness habang nagtatalo ang biktima at 2 suspek ay bumunot si Marlon ng baril at pinagbabaril ang biktima ng apat na beses at sanhi ng agaran pagkamatay. Sa ngayon pinaghahanap pa ng mga pulis ang 2 suspek upang masampahan ng kasong murder.

San Antonio – Araw ng Undas rin Nobyembre 1 taong kasalukuyan isang tawag ang natanggap ng police San Antonio sa isang barangay officer ng Brgy Corazon San Antonio Quezon ng kasong pananambang na naganap sa nasabing barangay.

Ayon sa inbestigasyon ng mga pulis ang biktima ay si Watari Ugoc Banua (biktima) 48 taong gulang residente ng nasabing lugar , na mga alas 8:45 ng gabi naglalakad pauwi ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek sa isang madilim na kugar at pinagbabaril ang biktima. Nagtamo ito ng tama sa ibat –ibang bahagi ng katawan ang siyang naging sanhi ng agaran kamatayan. Sa ngayon inaalam pa ng mga pulis kung ano ang motibo at hinahanap ang di pa nakilalang salarin upang masampahan ng kasong murder.a

0 comments:

Post a Comment


Loading...