Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Shoppers On Trip Grand Raffle Draw Matagumpay

by Boots R. Gonzales Ang Pacific Mall Lucena at Quezon Travel And Tours Multi – Purpose Cooperative binati at pinasalamatan ang mga...



by Boots R. Gonzales

Ang Pacific Mall Lucena at Quezon Travel And Tours Multi – Purpose Cooperative binati at pinasalamatan ang mga nanalo sa kanilang pakulo na Shoppers on Trip Grand Raffle Draw Promo . Ginanap ito noong Pebrero 17 , 2018 sa ground floor ng Pacific Mall Lucena kung saan pinangungunahan ni Ms Catalina Jabrica – Mall Manager and OIC of Pacific Mall Lucena at Ms Benilda Fatima Abuy Chairperson Quezon Travel And Tours Multi Purpose Cooperative ganun din sa pakipag tulungan ni Ms Leila Cabreros DTI Representative Lucena at Mr Imran Mohammed Zaide - Manager Quezon Travel and Tours Lucena.

Matatandaan nag umpisa ang shoppers raffle promo noong 2016 na kung saan matagumpay din naman nairaos ito, kung kaya hanggang sa kasalukuyan ito ay itinuloy tuloy na ng Pacific Mall at Quezon Travel and Tours ang nasabing programa . At noong nakaraan taon may mga shoppers nang nakalipad na sa kanilang mga napanalunan destinasyon , at sobra ang saya nila dahil anya nakarating sila sa lugar na hindi nila iniisip na mararating kasama ang kanilang mahal sa buhay kung kaya nagpapasalamat din sila sa Pacific Mall Lucena at Quezon Travel and Tours ganun din sa mga sponsors nito.

Noong nakaraan Oct 12 , 2017 muling nagkaroon ng MOA signing ang Pacific Mall Lucena at ang Quezon Travel and Tours Multi Purpose , kaugnay sa nasabing promo,. Layong nito ay upang patuloy na bigyan kasiyahan ang kanilang shoppers . Sa mensahe ng mga namamahala , ang ganitong programa ay magpatuloy – tuloy sa pagbigay ng kasiyahan sa kanilang mga shoppers at siyempre taos pusong pasasalamat din nila sa kanilang mga supporters na masigasig na tumutulong at sumusuporta sa kanila dito sa kanilang programa.

Noong Pebrero 17 , 2017 isinagawa ang Grand Raffle Draw sa grand floor ng Pacific Mall Lucena . Binigyan din ng saya ang mga batang shoppers sa pagkakaroon ng face painting ng libre bago mag umpisa ang grand raffle draw .

Ang mga nanalo ang ay ang mga sumusunod :

Sa local trip to Bohol for 3 days and 2 night

Ms. Rose Joan Atienza – Guinyangan Quezon

Trip to Malaysia for 3days and 4 nights

Ma. Jenelyn Racudo – Pantok Brgy 9 , Cucena

Trip to Hongkong Disneyland for 2 nights and 3 days

Anuncia Sigue – Unisan Quezon

Grand Prize trip to Seoul Korea for 3 days and 4 nights

Renato Villanueva – PNR Cotta Lucena City

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon