Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

6 na sasakyan nagkarambola sa Quezon, 1 patay

by Allan P. Llaneta Atimonan, Quezon --Dead on arrival sa Dona Marta District hospital ang drayber ng isang 6 wheeler truck makaraan ...



by Allan P. Llaneta

Atimonan, Quezon --Dead on arrival sa Dona Marta District hospital ang drayber ng isang 6 wheeler truck makaraan nitong makarambola ang 5 pang sasakyan sa brgy. Malinao Ilaya sa Atimonan Quezon noong Marso 29.

Kinilala ng mga awtoridad ang namatay na drayber na si Gregorio Cabalza 68 anyos.

Ayon sa Atimonan PNP, ganap na alas 6:30 nang gabi nang magkarambola ang 6 na sasakyan na kinabibilangan RU Diaz bus, Silver Star Bus, 6 Wheeler truck na may kargang bigas, DLTB bus, Hyudai van at isang Fish dealer truck.

Ang nasawing drayber ng truck ang siyang unang bumangga sa iba pang sasakyan na nagresulta din sa pagkakaroong ng minor injuries ng iba pang mga pasahero.

Wala namang napaulat na iba pang casualty sa nangyaring aksidente.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon