Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Drayber sugatan matapos mahulog sa bangin ang truck na minamaneho nito

by ALLAN P. LLANETA Tagkawayan, Quezon -- Sugatan ang isang drayber matapos mahulog sa bangin ang minamaneho nitong trailer truck sa...



by ALLAN P. LLANETA

Tagkawayan, Quezon -- Sugatan ang isang drayber matapos mahulog sa bangin ang minamaneho nitong trailer truck sa Brgy. Sta. Cecilia sa Tagkawayan Quezon noong Marso 24.

Kinilala ng mga awtoridad ang sugatang biktima na si Albert Casais.

Ayon sa Tagkawayan PNP, pasado alas 2:00 pm 
(Contributed Photo)
minamaneho ni Casais ang isang trailer truck na may plakang REN 224 at binabagtas ang maharlika highway patungo ng Bicol nang bigla na lang itong mawalan ng kontrol sa sasakyan saka bumangga sa isang poste nang kuryente at diretsong nahulog sa bangin.

Nawasak ang truck na naglalaman nang higit sa 1 libong sako ng semento.

Nagpapagaling na ngayon sa pagamutan ang biktima habang inaalam pa ang halaga nang pinsala nang nasabing sasakyan. 

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon