Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Termite Gang, muling umatake sa Lucena City

by Allan P. Llaneta LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Bigo ang Termite Gang na mapagnakawan ang isang pawnshop sa Brgy. Ibabang Dupay sa lungs...

by Allan P. Llaneta

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Bigo ang Termite Gang na mapagnakawan ang isang pawnshop sa Brgy. Ibabang Dupay sa lungsod ng Lucena kahapun.

Ayon kay Lucena City Police Director Supt. Vicente Cabatingan, pasado alas 9:00 ng umaga nang mapansin ni Aex Castilla gwardya ng Quickloan pawnshop na umuusok ang ilalim bahagi ng Vault at nag-amoy acetelyne.

Kagyat umanong rumesponde ang mga pulis sa nasabing lugar kung saan inabot pa ang isang suspek sa isang imburnal at nakipagpalitan pa ng putok.

Nakatakas naman ang suspek matapos dumaan sa imburnal at tumakbo sa di malamang direksyon.

Matatandaang kamakailan ay nanakawan ng Termite Gang ang isang pawnshop at isang service center sa nasabing lugar.

Sa ngayon tinutukoy pa ng pulisya ang pagkakakilanlan nang mga suspek.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon