Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

1 patay, 2 sugatan matapos tamaan nang kidlat sa Quezon

by Allan P. Llaneta CALAUAG, Quezon -- Dead on the spot ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa pang kasama nito makaraang tamaan ang m...

by Allan P. Llaneta

CALAUAG, Quezon -- Dead on the spot ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa pang kasama nito makaraang tamaan ang mga ito nang kidlat habang sakay sa isang banca sa karagatang sakop ng barangay Atulayan sa Calauag Quezon noong Mayo 24.

Kinilala nang mga awtoridad ang biktimang nasawi na si Arnold Calaparan 52 anyos at ang mga sugatang sina Luisito Calaparan 49 at Vincent Valles 17.

Ayon sa Calauag PNP, pasado alas 2:00 nang hapon sakay ang 6 na katao kabilang ang mga biktima sa isang banca galing sa barangay Dapdap patungo sa bayan nang Calauag nang bigla na lang kumidlat at mahagip ang mga ito.

Patay agad biktima habang naisugod naman sa ospital ang dalawa pang sugatan.

Ligtas naman ang 3 pang sakay sa banca habang nagpapagaling na sa pagamutan ang 2 pang sugatan.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon