Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Barangay Chairman patay sa pamamaril ng NPA sa San Narciso Quezon

by Allan P. Llaneta San Narciso, Quezon -- Dead on the spot ang isang barangay Chairman makaraan itong pagbabarilin nang mga hinihinalang...



by Allan P. Llaneta

San Narciso, Quezon -- Dead on the spot ang isang barangay Chairman makaraan itong pagbabarilin nang mga hinihinalang miyembro ng rebeldeng New Peoples Army sa brgy. Busokbusokan sa San Narciso Quezon noong June 11.

Kinilala ni Quezon Police Director Senior Supt. Osmundo De Guzman ang biktimang si Brgy. Binay Charman Ruben Carabido 53 anyos.

Ayon kay Police Senior Inspector Reuben Jabrica nang San Narciso PNP pasado 1:00 nang hapun nasa bahay nang kanyang kapatid na si Noli Carabido ang biktima nang bigla na lang dumating ang higit sa limang suspek at malapitan itong pinagbabaril.

Tama sa ulo at katawan nang di pa matukoy na kalibre nang baril ang pumatay sa biktima.

Tumakas naman ang mga suspek na umanoy nakasuot pa nang t-shirt na may logo nang NPA matapos ang pamamaslang.

Inaalam pa ngayon nang mga awtoridad ang motibo nang krimen habang pinaghahanap ang mga salarin.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon