Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kalina Ann Viele kinoronahan bilang Bb. Pasayahan 2018

(Photo Courtesy of  Kalina Ann Viele) LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Isang gabing tanghal ang mga ipinagmamalaking kababaihan sa lung...

(Photo Courtesy of  Kalina Ann Viele)


LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Isang gabing tanghal ang mga ipinagmamalaking kababaihan sa lungsod na may angking kagandahan, katalinuhan at talento. At isang patimpalak na kumikilatis hindi lang sa panlabas na kagandahan kundi pati na din sa panloob na katangian.

Kamakailan nga ay idinaos ang isa sa pinakaaabang- abangan na aktibidad na parte ng pagdiriwang sa kapistahan ng lungsod, ang Bb. Pasayahan 2018 Pageant.

Nagtipon tipon ang mga mamamayang Lucenahin na nakiisa at sumuporta sa kani-kanilang kandidatang pambato para sa nasabing patimpalak.

Labing limang kandidata ang nagtagisan sa kani-kanilang pag rampa sa entablado dala-dala ang pangalan ng mga barangay o paaralan na kanilang inirerepresenta.

Kanya- kanyang pagpapakitang gilas din ang mga ito suot suot ang kani-kanilang casual dress para sa production number, swimsuit para sa swimwear competition at naggagandahang gown para sa evening gown competition.

Kinoronahan bilang Bb. Pasayahan 2018 ang pambato ng Barangay Ibabang Dupay na si Kalina Ann Viele.
(Photo Courtesy of  Kalina Ann Viele)

Sa kanyang angking kagalingan sa pagsayaw ay tinanghal din siyang Best in Talent at Ms. Mags sponsored by Mags Boutique.

Sa pagiging kasama naman sa Top 7 ni Viele ay tinanong sa kanya kung anu ang kanyang gagawin kung sakali mang hindi manalo sa kompetisyon na buong kumpiyansa at tiwalang sinagot nito.

Patuloy pa rin aniya niyang ipo-promote ang lungsod tulad ng isa sa esensya ng pagdiriwang ng Pasayahan.

Tinanghal naman na Bb. Pasayahan 1st runner up si Kate Desaluna.

At nasungkit ni Charisse Lorraine Gutierez ang Bb. Pasayahan Second runner-up title at ang Best in Evening Gown na dinisenyo ng local designer na si Maricris Dela Peña.

Si Niña Alyssa Losloso naman ang nanalong Best in Swimsuit para sa swimwear competition habang si Kazandra Catherine Cabailo naman ang Ms. Photogenic.

Si Mary Yari Roces ang napili bilang Ms. Markcafe at ang People’s Choice Award by Globe.

Nagsilbi namang mga hurado sina Russ Cuevas at Gil Granado ng Fashion designer association of the Philipines, Miss Intercontinental 2nd runner-up Kris Tiffany Janson, Bb. Supranational 2014 Yvethe Marie Santiago, 2017 Ambassador for Life of the Philippine Cancer Society na si Mercie Padolina, Globe Quezon Head Don Vincent Handusay at ang Chair ng board of judges, ang CEO ng Mags Boutique na si Mags Cue.

Nagsilbing kinatawan naman ni Mayor Dondon Alcala si Konsehal Anacleto Alcala III na hindi nakapunta dahilan sa may kasabay na dinaluhang okasyon.

Nagbigay mensahe naman ang Konsehal at nagpasalamat sa ngalan ni Mayor Dondon Alcala, sa mga Lucenahin na dumalo at patuloy pang makikiisa sa mga darating pa na aktibidades sa Pasayahan sa Lucena.

Dumalo din sa naturang aktibidad si Quezon 2nd district Congressman Vicente “Kulit” Alcala, dating Congressman Irvin Alcala at Aris Aguirre ng 3rd district, gayundin ang mga empleyado ng pamahalaang panlungsod at mga sangguniang barangay at mga bagong halal na SK Chairmans sa bawat barangay sa lungsod. (PIO Lucena- M.A. Minor)

1 comment

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon