Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Tulak, patay sa buy bust operation sa Lucena City

by Allan P. Llaneta Lungsod ng Lucena, Quezon -- Dead on the spot ang isang tulak matapos itong makipagbarilan sa mga awtoridad sa ginawang...

by Allan P. Llaneta

Lungsod ng Lucena, Quezon -- Dead on the spot ang isang tulak matapos itong makipagbarilan sa mga awtoridad sa ginawang drug buy bust operation sa barangay 10 sa lungsod ng Lucena kaninang madaling araw.

Kinilala ng mga awtoridad ang napatay na suspek na si Emilio Calayo.

Ayon kay Lucena City police director PSupt Romulo Albacea, pasado alas alas 4:00 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang City Drug Enforcement Unit ng PNP sa nabanggit na lugar kung saan nagpanggap ang isang pulis na bibili nang shabu.

Nang maramdaman umano ng suspek na pulis ang kanyang katransaksyon ay agad itong bumunot nang baril tsaka nagpaputok.

Dito na umano gumanti nang putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay nang suspek.

Narekober sa pag-iingat ni Calayo ang isang 38 kalibre ng baril at isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga nang 1 libong piso.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon