Flash News
Mail RSS
Quezon Province
Loading...

2 Katao timbog sa buy bust operation sa Lucena City, Quezon


by Allan P. Llaneta

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Dalawang hinihinalang drug pusher ang magkasunod na naaresto sa isinagawang drug buy bust operation nang mga awtoridad sa magkahiwalay na barangay sa lungsod ng Lucena kaninang umaga.

Ayon kay Lucena City Police Director Supt Romulo Albacea, pasado alas kwatro nang umaga nang unang maaresto nang pinagsanib na pwersa ng Quezon Police Intelligence Branch, Quezon PDEA at nang City Drug Enforcement Unit nang PNP ang suspek na si Lorna Mendoza sa brgy 4 na naturang lungsod.

Nagpanggap umanong bibili ng shabu ang isang pulis kaya nasakote ang babeng suspek.

Nakuha sa pag-iingat nang suspek ang 3 sachet nang hinihinalang shabu at isang 500 peso bill na ginamit bilang mark money.

Si Mendoza ay dati nang gumagamit nang shabu pero sumuko matapos matokhang.

Samantala pasado alas singko naman nang umaga nang mahuli rin sa barangay 9 ang isa pang drug pusher na kabilang sa drug watchlist.

Ang natimbog ay nakilalang si Gilbert Yasis.

Nahuli naman sa suspek ang 10 sachet nang hinihinalang shabu at 500 peso bill na ginamit din bilang mark money.

Kapwa nasa Lucena City lock up jail na ang mga suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito.