Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

3 taiwanesse national at 1 pinay, arestado sa droga

by Allan P. Llaneta LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Nasakote ang 3 Taiwanesse at 1 Pinay sa isinagawang anti drug operation nang pinagsanib n...



by Allan P. Llaneta

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Nasakote ang 3 Taiwanesse at 1 Pinay sa isinagawang anti drug operation nang pinagsanib na pwersa ng PNP at nang PDEA sa Brgy. Dinahican sa Infanta Quezon noong Setyembre 11.

Kinilala ni Quezon Police Director Senior Supt. Osmundo de Guzman ang mga naarestong dayuhan na sina Jho Tian You, Wang Ching Wang, Lin Ching Weng at ang pinay na si Kimberly De Vera.

Ayon sa mga awtoridad pasado alas 4:00 nang madaling araw sakay sa isang motorized banca ang mga suspek nang maaresto ang mga ito kung saan nakuha sa kanila ang 10 sako ng kemikal at 22 galon ng liquid substance na hinihinalang ginagamit sa paggawa nang shabu.

Sinabi ni Chief Inspector Lowell Atienza nang Infanta Police, ang pagkakahuli sa mga dayuhang suspek ay bunsod nang matagal nilang ginawang surveilance.

Matatandaang noong buwan nang Hunyo ay narekober rin nang mga awtoridad sa isang mangingisda sa bayan nang Infanta ang 4 na bricks ng cocaine na nagkakahalaga nang 21.2 milyong piso.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: contact@sentineltimes.net
WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon