Flash News
Mail RSS
Quezon Province
Loading...

Ilang kawani ng Prime Water , nakipag-ugnayan sa punong brgy ng Dalahican

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Nakipag-ugnayan ang ilang mga kawani ng Prime Water sa Punong Barangay ng Barangay Dalahican Kamakailan.

Malugod naman ang pagtanggap ni Chairman Roderick Macinas at lahat ng mga bumubuo ng sangguniang barangay sa.

Ang pakikipag-ugnayan ng mga ito ay upang mapag-usapan ang kasalukuyan sitwasyon ng suplay ng tubing sa kanilang barangay.

Sa nasabing pagpupulong ay ipinahayag ng mga Barangay Officials at Purok Leaders ang mga leakages at mga lugar na namomoblema sa suply ng tubig.

Sa pahayag naman ng Prime Water ay nagpasalamat ang mga ito dahilan sa naiparating sa kanila kung ano ang mga problema sa lugar at dahil dito ay nangako ang naturang kompanya na pagbubutihin pa nila ang kanilang serbisyo.

Humingi rin ng tulong ang mga ito sa mga nanunungkulan sa sangguniang barangay upang maisaayos ang mga kasalukuyang problema sa pamamagitan ng pag-asiste sa kanila sa pagbaba ng kanilang team sa lugar.

Lubos naman ang pasasalamat ng sangguniang barangay sa pamumuno ni Kapitan Macinas at mga purok leaders at umaasa na kanilang matutugunan ang mga problema sa suply ng tubig sa Barangay Dalahican. (PIO-Lucena/J.Maceda)