Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

12 Katao arestado sa buy bust operation

by Allan P. Llaneta

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Arestado ang labing dalawa katao sa isinagawang drug buy bust operation nang mga awtoridad sa magkakahiwalay na barangay sa lungsod nang Lucena madaling araw nang Disyembre 10.

Unang nasakote ang limang katao sa barangay ilayang iyam na kinilalang sina Carmelo Apelo, Richard Dacer, Angelo De Guzman, Mark Benson Edano at Allyza Marie Ontivero.

Samantala pasado alauna naman nang madaling araw nang mahuli rin ang 7 katao sa barangay Ibabang dupay kabilang sina Jonathan Presas, Elizabeth Ario, Robelyn Madasuc, Oscar Ostonal, Catlyn Ornedo, Mary Ann Magnaye at Michelle Dejeto.

Ayon kay Lucena City Police Director Supt Reydante Ariza ang mga suspek ay nahuli matapos na magpanggap na bibili nang shabu ang isa sa mga operatiba. Narekober sa mga suspek ang 9 na sachet nang shabu, mga drug paraphernalia at dalawang 500 peso bill na ginamit bilang mark money.

Kasalukuyang nasa Lucena City lock up jail na ang mga naaresto habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.

Loading...