Flash News
Mail RSS
Quezon Province
Loading...

DRUG PUSHER, TIMBOG SA BUY BUST

by Allan P. Llaneta

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Arestado ang isang drug pusher sa isinagawang drug buy bust operation nang mga awtoridad sa brgy Gulang gulang sa lungsod nang Lucena madaling araw nang Enero 17.

Kinilala nang mga awtoridad ang nahuling suspek na si Christian Garcia alyas Buwang 34 anyos at residente nang brgy Silangang Mayao.

Ayon sa Drug Enforcement Unit ng Lucena PNP, nasakote ang suspek makaraan umanong magpanggap na bibili nang shabu ang isang pulis.

Nakuha sa suspek 3 sachet nang shabu at 500 peso bill na ginamit bilang mark money.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Lucena City lock up jail.