Flash News
Mail RSS
Quezon Province
Loading...

JR. NBA, MULING MAGKAKAROON NG SELECTION TRAINING CAMP SA LUNGSOD NG LUCENA

Marami sa ating ang mahilig sa basketball matanda man at lalo’t higit ang mga kabataan.

Dito sa lungsod ng lucena isa ang larong ito sa kinahihiligan at di lamang sa ating maging sa buong lalawigan ng quezon, karating lalawigan at sa buong bansa.

Sa pagkakataon ito mapalad ang Quezon lalo na ang mga kabataan lucenahin sapagkat muli ay magkakaroon ng Selection Training Camp ang JR. NBA.

Kaya naman ng makapanayam TV12 ang isa sa Coach ng Kolehiyo dito sa lungsod at isa rin ito sa nangangasiwa ng nasabing training camp ng jr nba dito sa pilipinas na walang iba kundi si Coach Mel Villanueva.

Ayon dito may programa ang jr nba at ito ay ang Global Youth Particifation na programa ng NBA.

Sinabi ni Villanueva na dito sa pilipinas ay mayroon apat na stage na ang ibigsabihin aniya ay mayroon sa mga lugar na pupuntahan ang naturang camp tulad ng mindanao, visayas, baguio at manila.

Ayon dito malaki ang oportunidad nito para sa quezon at sa mga lucenahin na dito sa lungsod gaganapin ang jr nba regional selection camp at maging ang buong Calabarzon.

Ayon pa kay Coach Mel, ang mga participants dito ay 14 years old under at hindi lang para sa marurunong maglaro ng basketball.

Yong iba umano ay bago palang natututo maglaro at lalong lalo na yong wala pang experience na magtrain sa jr nba.

Dagdag pa nito na layunin ng training camp ay upang ipaalam sa mga kabataan na kasali dito ang lahat ng skills sa paglalaro ng basketball.

At ang jr nba ay magseselect sa lahat ng camp ng 10 lalake at 10 babae na magpaparticipate sa national training camp.

Sa ngayon ang gaganapin dito sa lungsod umano ay stage 1 at ang stage 2 naman ay ang national training camp na gaganapin sa manila sa buwan ng abril.

Ang stage 3 naman ay magkakaroon sila ng three days expensence at makakasama pa nila ang ilang mga nba players and coach at ilan din coach ng alaska.

Pagkatapos nito ay magkakaroon muli ng selection camp na maari makapunta sa china ang mga mapipili dito.

Kaya naman inaanyayahan ni Coach Mel Villanueva ang lahat ng mga kabataan na 14 yrs old under na ang jr nba ay may libreng registration sa darating na March 9-10 alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon na gaganapin sa Manuel S. Enverga Gym.

Nagpasalamat naman ito sa City Sports Office sa pangunguna ni Ogie Ng ganoon din sa SK Federation President Patrick Nadera at Sk Chairman Rolden Garcia ng Barangay Ibabang Dupay sa tulong ng mga ito para maipabatid sa bawat barangay ang naturang programang ito ng jr nba.

At lalo’t higit ay napasalamat ito kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa suporta at tulong nito sa nabanggit na training camp. (PIO-Lucena/J. Maceda)