Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

Blessing at inauguration ng Sariaya-Castañas Provincial Road, pinangunahan ni Gob. Suarez


Pinangunahan ng ama ng lalawigan na si Gob. David C. Suarez kasama si Vice Governor Samuel B. Nantes ang isinagawang blessing at inauguration ng Sariaya-Castañas Provincial Road na isinagawa nitong ika-14 ng Marso.
Aabot sa 50 milyong piso ang tinatayang investment ng pamahalaang panlalawigan para sa pagsasaayos ng 5 kilometrong kalsada ng Barangay Castañas. Ayon kay Gob. Suarez, isa lamang itong pamamaraan ng pamahalaang panlalawigan upang iparamdam sa mga mamamayan ang  mga programa para sa pagpapa-unlad ng kanilang bayan.


Kasabay ng nasabing kaganapan ay isinagawa rin ang libreng medical mission kung saan higit 500 na mga pasyente ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal. Kabilang sa mga serbisyong handog ng pamahalaang panlalawigan dito ay medical check-up, dental extraction, ultrasound, laboratory at optometry.(Quezon – PIO)

Loading...