Flash News
Mail RSS
Quezon Province
Loading...

Vaccination program ng City Health Office, tuloy-tuloy

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Tuloy-tuoy ang City Health Office sa pagpapatupad ng National Immunization Program ng Department of Health, ito ang binigyang diin ni CHO EPI/CD coordinator elizabeth caparros kamakailan matapos na hingan ng update ng sangguniang panlungsod hinggil sa pagsasagawa ng nasabing programa.

Dahil sa suliraning kinakaharap ng lokal na pamahalaan sa paparaming kaso ng sakit na tigdas sa Lucena, kinamusta ng sangguniang panlungsod ang estado ng birth immunity sa lungsod.

Ayon kay Caparros, mahigit isang dekada nang tuloy-tuloy na isinasagawa ng kanilang tanggapan ang National Immunization Program ng DOG sa iba’t-ibang barangay sa lungsod.

Sa katunayan, hindi lamang para sa tigdas ang kanilang ibinibigay nang libre sa mga batang edad isang taong gulang pababa.

May bakuna rin sila para sa mga sakit gaya ng tuberkolosis, hepatitis b, dipterya, tetano, pertussis, pulmonya, meningitis, polio, beke, at german measles.

Mayroon rin umanong libreng pneumonia vaccine ang CHO para sa mga senior citizens sa lungsod.

Ngunit ayon kay Caparros, nang dahil sa dengvaxia scare, bumaba ang porsyento ng birth immunity sa lungsod. Ang dating 85 % na nasakop ng kanilang immunization program sa nakalipas na 5 taon ay dumausdos sa 40 %.

Giit nito, labing-walong katao ang kayang hawaan ng isang taong may tigdas. Dahilan kung bakit kinailangan ng kanilang tanggapan na palakasin ang corective immunity sa lungsod bagay na kanilang ikinabigo.

Bahagi kasi ng pagbaba ng immunity coverage ay ang mababang porsyento ng mga nagpabakuna sa isinagawang school based immunization program ng kanilang tanggapan sa mga pampublikong paaralan sa lungsod kung saan 20 % o 1700 na grade 1 students lamang ang nabakunahan ng para sa tigdas imbis na 8300. Habang mahigit sa 400 o 18 % lamang ng sa 2600 grade 7 students ang naturukan ng bakuna para sa tigdas.

Ngunit nang dahil naman umano sa outbreak ng tigdas, ang mga magulang na dati –rati’y inaayawan at tinatakbuhan ang mga bakunang kanilang iniaalok, ngayo’y siya na mismong humahabol sa kanilang tanggapan mapabakunahan lamang ang kanilang mga anak.

Muling umapela ang kanilang tanggapan sa mga magulang na makipagtulungan sa kanilag mga programa dahil sa huli, ang mga ito rin ang siyang makikinabang.(PIO Lucena/ C.Zapanta)