Flash News
Mail RSS
Quezon Province
Loading...

Groundbreaking ceremony ng three-storey science lab sa Quezon isinagawa

LUNGSOD NG TAYABAS, Quezon - Pinangunahan ni Quezon Governor David C. Suarez ang groundbreaking ceremony ng three-storey science laboratory building na idinaos sa Quezon Science High School, Brgy. Isabang sa lungsod na ito.

Sinabi ni OIC School Director Carla Marie Carandang, ang panibagong laboratory building na ito ay isa lamang sa kasagutan sa mga pinapangarap nila para sa kanilang paaralan. Aniya, patunay lamang ito sa patuloy na suporta ng itinuturing na ama ng bawat mag-aaral ng QSHS na si Gob. Suarez.

“Ang three-storey science laboratory building ay isa pong patunay lamang na kami at mismong mga mag-aaral na nangarap na magkaroon ng gusaling ito ay nais pang matuto, at mahubog pa ang aming skill para sa siyensya, agham at teknolohiya na alam naming sa pagdating ng araw ito po ay kasama niyo kami sa pagpapa-unlad ng ating probinsya,” pahayag ni Bb. Carandang.

Samantala, sa mensahe ni Gob. Suarez, ipinahatid niya ang kahalagahan at pagbibigay-importansya ng pamahalaang panlalawigan para sa patuloy na pagpapa-unlad ng nasabing paaralan. Maliban sa bagong laboratory building, kasalukuyan na ring isinasagawa dito ang bagong dormitory at fully covered court gymnasium na magsisilbing sports activity at extracurricular activity area ng mga mag-aaral dito.

Sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan, ang nasabing gusali ay mayroon nang paunang pondo na limang milyong piso mula sa ALONA Partylist sa pangunguna ni Rep. Anna Marie V. Suarez.

“Being in Quezon Science High School speaks a lot about your capabilities, about the intelligence and your potential to be great. So, sa akin please maximize the time that you’re here. Be the best student that you can be at kami naman sa pamahalaang panlalawigan ng Quezon, we will be the best public servant that we can be, to be your partner in making sure that you’re able to achieve your 100% pure potential,” Sabi pa ng gobernador. (Ruel Orinday, PIA-Quezon/ may ulat mula sa Quezon PIO)