Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

ILANG MGA RESIDENTE NG BARANGAY 8, MULING NA PAGKALOOBAN NG LIBRENG BIGAS

Kamakailan ay unang lunes ng buwan ng Abril at bukod dito ay ang isinasagawang flag raising ceremony ng Sangguniang Barangay VIII.

Kung saan ay pinangunahan ng mismong Chairman ng naturang Barangay na si Amadeo “Mandy” Suarez at kasama ang lahat ng mga staff nito, na dinaluhan naman ng mga residente dito.

Matapos ang programa ay ang palagiang pagkakaloob ng bigas na dito ay bumunot muli ng pangalan at ilang sa mga residente rito ang mapalad na nabunot.

Dito ang mga nabunot ay magkakaroon ng tig limang kilong bigas na nagmula sa sariling bulsa ng Kapitan Suarez at ilang kagawad nito.

Ginanap naman ang pagkakaloob na ito sa 2nd floor ng kanilang barangay kasama ang ilang mga kagawad at staff ng dito.

Ayon naman sa kapitan kahit na aniya wala sa flag raising na isinagawa kahit sa anak, pamangkin o magulang na naroon ay ibinibigay nila ang bigas kapag nabunot ito.

Samantalang ang pagkakaloob ng nasabing bigas na ito ng sangguniang barangay 8 ay ang tanging hangad naman ay mabigyan ng kauting kaginhawahan at maibsan ang gastusin sa pang-araw araw ng mga kabarangay niya. (PIO-Lucena/J.Maceda)


Loading...