Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

Binibini

by Dianne Yzabel Lodronio Alikpala
August 10, 2019

Maraming pinagdaanan

Ngunit hindi kailan ma'ng sumuko.

Binibining kahanga-hanga

Ngunit hindi mo gugustuhing makabangga.

Nakakamangha niya'ng sipag at ganda 

Kinahahangaan ng karamihan,

Ang katulad niyang binibini ay dapat respituhin 

at mahalin ng buong puso't kaluluwa.

Ang ganda niya'ng walang katumbas

Ganda'ng walang kupas,

Ginoo'ng magmamahal sa kanya ay napakaswerte,

Tulad ng karagata'ng puno ng mga isda,

Siya'y nag iisang perlas na mahirap hanapin.

Kaya't katulad niya'ng Binibini ay dapat pinapahalagahan,

Dahil lahat ng babae ay parang isang diyamanteng kailangan mo'ng pakaingatan.

Ang katulad nya'ng Binibini ay iilan nalang sa panahon ngayon, 

hindi sumasangayon sa mali, hinahayag ang totoo kesa manahimik at ipagwalang bahala. 

Saludo kami sa katulad mo'ng Binibini.

Maligayang kaarawan Binibining Nimfa!

0 comments:

Post a Comment


Loading...