Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

DOH, nagpaalala vs mga sakit ng tag-ulan

by Lolitz Estrellado
September 28, 2019

BATANGAS CITY - Dahil sa sunod-sunod na bagyo at talaga namang panahon ng tag-ulan ngayong buwan ng mga BER, nagpalabas na ng babala o paalala ang Department of Health (DOH) o Kagawaran ng Kalusugan sa publiko na maging maingat na at paghahandaan ang mga sakit na dulot ng rainy season.

Ayon kay Batangas Provincial Health Officer Dr. Rosevilinda Ozaeta, kabilang sa mga sakit na tinukoy ng DOH ay ang diarrhea, water-borne diseases tulad ng typhoid fever, cholera, leptospirosis, at vector-borne diseases na malaria at dengue na talagang namiminsala kapag panahon ng tag-ulan, at ngayon ay ang polio na may 2 kaso ng namatay.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Sinabi ni Ozaeta na mas mabuti nang laging handa at maging maingat ang publiko upang hindi dapuan ng mga nabanggit na sakit, lalo na ang mga bata.

Mas makakabuti umano na magkaroon ng mga panlaban sa mga karamdamang ito bago pa man tuluyang dumating ang panahon ng tag-ulan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malakas at matibay na resistensya, pagkakaroon ng personal hygiene o kalinisan sa sarili, at sanitasyon sa kapaligiran.

Binigyang-diin ni Ozaeta na ang kalinisan sa katawan at sa kapaligiran, wastong nutrisyon, ehersisyo, at simpleng pamumuhay ay makakatulong upang lumakas ang resistensya laban sa anumang uri ng sakit hindi lamang kung panahon ng tag-ulan kundi "the whole year round" o sa lahat ng oras.

Pinayuhan din nito ang mga ina na pabakunahan o paturukan ng anti-polio vaccine ang kanilang mga anak.

0 comments:

Post a Comment



–>