Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

Good samaritan binigyan ng parangal

by Lyndon Gonzales
September 14, 2019
Si Hon. Mayor Macario “Macky” Boongaling at Ms. Andrea Macaraig


CANDELARIA, Quezon - Isang good samaritan ang nagbalik ng wallet na napulot niya sa di kalayuan sa bahagi ng munisipyo at himpilan ng pulis na naglalaman ng voter’s I.D at may kasamang cash na nagkakahalaga P10,700 sa himpilan ng Municipal Police Station at agad naman itong naisauli sa may ari.

Lubos naman ang pasasalamat ni Police Lieutenant Colonel Jezreel L. Calderon OIC, Chief of Police ng nasabing bayan kay Ms. Andrea Macaraig na isang dalagita.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Aniya sana maraming katulad niya na may mabuting kalooban, at isang mabuting ehemplo ng mga kabataan,

Nitong nakaraang Lunes September 9, taong kasalukuyan sa pangunguna ni Hon. Mayor Macario “Macky” Boongaling (Municipal Mayor), binigyan ng isang karangalan bilang pagkilala sa katapatan ang isang mamayan ng nasabing bayan kay Ms. Andrea Macaraig tubong Sta. Catalina Sur.

“Dahil nasa mabuting landas ang hangaring maitaas ang antas ng kabataang Pilipino at bilang mabuting mamayan ang kagaya niya, Ang ipinaramdam at ipinakita ninyong mahalagang pagtitiwala,” wika ni butihing Mayor.

0 comments:

Post a Comment


Loading...