Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

Mayor DOndon Alcala pinasalamatan ang lahat ng mga kooperatiba sa lungsod ng Lucena

October 12, 2019

Dahilan sa malaking naitutulong sa lungsod, lubos na pinasalamatan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang lahat ng mga kooperatiba sa Lucena.

Inihayag ng alkalde ang pasasalamat na ito sa ginanap na flag raising ceremony na kung saan ang naging host dito ay ang Cooperative Division ng pamahalaang panlungsod.

Ayon kay Mayor Dondon Alcla, malaki ang nagiging tulong ng mga koaperatibang ito lalo’t higit sa pag-unald ng Lucena.

Dagdag pa ng punong lungsod, ang mga kooperatiba rin ang nagbibigay ng negosyo at trabaho para sa mga indibidwal na walang trabaho.

Sa pamamagitan aniya ng mga ito, nagkakaroon ng mga livelihood o pinagkakakitaan ang mga Lucenahin na hindi pinapalad na magkaroon ng trabaho.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Binigyang pasasalamat rin ni Mayor Alcala ang head ng Cooperative Division na si Mam Nimfa Arias dahilan sa magandang ginagawa nito para sa mga kooperatiba sa pamamagitan ng kanilang tanggapan.

Lubos ring pinasalamatan ng alkalde ang lahat ng pamunuaan ng mga kooperatiba sa Lucena dahilan naman sa patuloy na kooperasyon nito sa lahat ng mga programa at proyekto ng lungsod.

Sa isinagawang report ni Mam Nimfa Arias, ang head ng Cooperative Division, nagsasagawa ang kanilang tanggapan ng mga libreng trainings para sa mga kooperatiba sa lungsod.

Tumutulong rin ang kanilang opisina sa pagpapa-accredit ng mga kooperatiba sa Lucena at bahagi rin sila ng secretariat ng Cooperative Council.

Gayundin nakibahagi rin ang kanilang tanggapan at iba pang mga kooperatiba sa iba’t-ibang mga programa ng pamahalaang panlungsod.

Dagdag pa ni Mam Nimfa Arias, sa ngayon ay mayroong mahigit sa 40 ang mga accredited na kooperatiba sa Lucena.

Ang pagpapasalamat na ito ni Mayor Dondin Alcala pamunuaan ng Cooperative Division at maging sa lahat ng mga kooperatiba sa Lucena ay bilang pagpapakita niya ng taus pusong pagpapahalaga sa lahat ng mga tulong at suporta ng mga ito sa programa at proyekto sa lungsod ng Bagong LUcena.

0 comments:

Post a Comment


Loading...