March 28, 2020 Nangangalap ng pondo ang Boy Scout of the Philippines (BSP), Batangas City Council bilang suporta sa mga proyekto at tulong n...

Nangangalap ng pondo ang Boy Scout of the Philippines (BSP), Batangas City Council bilang suporta sa mga proyekto at tulong na ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod ng Batangas para sa mga higit na apektadong pamilya sa harap ng enhanced community quarantine sa Luzon.
Iba't ibang hakbang na ang naipatupad ni Mayor Beverley Dimacuha bilang tugon sa COVID health crisis.
Ayon kay Batangas City BSP Scout Executive Guilbert Alea, panahon na muli ng pagtutulungan tulad ng malasakit na pinatunayan natin sa mga apektado ng Taal eruption. “ Sana po ngayon ay tulungan natin ang city government sa pamamahagi ng tulong sa mga apektadong pamilya kagaya ng ating mga jeepney at tricycle drivers, walang kaseguruhan kung hanggang kailan ganito ang sitwasyon,” panawagan ni Alea.
Nais rin ng BSP na suportahan ang city government sa ipinamamahagi nitong Personal Protective Equipment (PPE) at health kits para sa mga healthcare workers at frontliners.
Tumatanggap ang boy scouts ng cash at food donations mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon Maari din namang ihulog ang cash donation sa DBP account no.0000-5038-6565. Ang lahat ng donasyon ay itatala at bibigyan ng kaukulang resibo ang mga donors.
Ilan sa mga naunang
nagbigay ng donasyon ay ang Batangas City Athletics Team na nagbigay ng mga alcohol, Your B Events-P10,000.00 cash, SBC Alumni at 100 sakong bigas mula sa hindi nagpakilalang residente ng lungsod.
Makakatuwang ng BSP ang City Social welfare and Development Office (CSWDO), mga konsernadong tanggapan ng pamahalaang lungsod at mga barangay officials sa pagtukoy ng mga beneficiaries at distribusyon ng mga donasyon sa barangay.
No comments