Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Frontliner na pulis at midwife magkatuwang na nagpaanak sa Pakil RHU

By Joy Gabrido April 23, 2020 Tinulungan ni PCpl Marco Andrew Jalago ang Midwife na si Corina Esguerra sa pagpapaanak ng isang buntis...

By Joy Gabrido
April 23, 2020




Tinulungan ni PCpl Marco Andrew Jalago ang Midwife na si Corina Esguerra sa pagpapaanak ng isang buntis sa Pakil RHU. Si Jalago ay isang registered nurse bago naging isang pulis. (Larawan mula kay Mayor Vincent Soriano)




BAY, Laguna, Abril 21 (PIA) - Sa kabila nang pakikibaka laban sa Coronavirus Disease o COVID-19 ng ating mga frontliners, nagpamalas ng pagtutulungan ang isang pulis at midwife na magkatuwang na nagpaanak ng isang buntis sa Pakil Rural Health Unit o RHU.

Hindi nagdalawang-isip si PCpl Marco Andrew Jalago na asistahan sa pagpapaanak ang Midwife ng Pakil RHU na si Bb. Corina Esguerra nang dumating ang isang pasyente na manganganak na sa alanganing oras na sarado na ang RHU sa bayan ng Pakil, Laguna noong nakaraang biyernes, Abril 17, 2020.

“Naghihintay po ako ng time for duty sa checkpoint nang dumating iyong mag-asawa. Closed pa po ang RHU at waiting for the midwife,” kwento ni Jalago.

Kapag sarado na ang RHU nang alas singko ng hapon ay on-call na ang midwife sakaling may manganganak, paliwanag niya.

Aniya galing rin sa 24 oras na duty ang komadronang si Esguerra sa checkpoint ng Pakil na malapit sa RHU at ang ibang mga healthworker naman ay kasalukuyang naka-duty nang dumating ang pasyente kasama ang asawa nito kaya naman nakita niya ang pangangailangan na tumulong sa pag-papaanak rito.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




“Registered nurse po ako kaya medyo alam ko pa po kung ano ang gagawin pero syempre mas expert po iyong midwife kaya nag assist lang po ako,” kwento niya.

Bagaman siya ay matagal na sa propesyon bilang pulis sinabi niya na naroon pa rin naman ang mga kaalaman na natutuhan niya bilang isang nurse kaya gayon na lamang ang kanyang lakas nang loob na asistahan ang komadrona.

“Public servant po ako. In time of need, hindi po ako nag-dalawang isip to lend a hand,” sinabi ni Jalago. Bilang isa sa mga itinuturing na mga ‘public servant’ sa unipormadong hanay ay hindi siya nag-atubili na mag-abot ng tulong sa abot ng kanyang makakaya.

Hiniling niya naman sa kapwa niya mga frontliner na manatiling ligtas at patuloy na sumunod sa mga alituntunin ng pamahalaan kaugnay ng kinakaharap na pandemya.

Nanawagan rin siya sa mga ordinaryong mamamayan na sumunod rin sa mga batas na ipinapatupad ng gobyerno, aniya “Para kapag natapos ito, we can all come back to our normal lives.”

Hindi nalimitahan sa pagsisiguro ng seguridad at kapayapaan ang tungkuling ng pulis na si Jalago at di rin naman alintana ng midwife na si Esguerra ang pagod matapos ang isang buong araw niyang pagtratrabaho.

Dito natin makikita ang magkakaibang sakripisyo na ginagawa ng ating mga frontliner na naglalaan ng kanilang oras at buhay sa paglaban sa nakamamatay na virus habang sinisiguro na ang mga mamamayan ay nasa maayos na kalagayan. (Joy Gabrido)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon