Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

27 COVID-19 patients sa isang ospital sa Laguna, naka-recover na

By PIA LAGUNA May 16, 2020 LOS BAÑOS, Laguna  – Inihayag ng HealthServ Los Baños Medical Center, isang pribadong ospital sa bayan ...

By PIA LAGUNA
May 16, 2020








LOS BAÑOS, Laguna  – Inihayag ng HealthServ Los Baños Medical Center, isang pribadong ospital sa bayan ng Los Baños sa Laguna, na ang lahat ng pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na na-admit sa kanilang ospital ay naka-recover na at nasa maayos nang kalagayan.

Sa opisyal na pahayag, inanunsiyo ng pamunuan nito na lahat ng 27 pasyente mula sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Laguna na sumailalim sa medical treatment sa kanilang ospital ay nakauwi na sa kanilang mga tahanan matapos ang tuluyang paggaling ng mga ito.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Kaugnay nito ay nagpaabot ng pasasalamant ang Healthserv Los Baños Medical Center sa lahat ng mga healthcare workers at staff nito para a kanilang tapang at malasakit sa kabila ng patuloy na banta ng nakahahawang sakit.

Nagpaabot din ito ng pasasalamat sa lokal na pamahalaan ng Los Baños gayundin sa Municipal Health Office at sa buong komunidad ng nasabing bayan para sa suporta na ipinagkakaloob ng mga ito.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Lubos din ang pasasalamat ng ospital sa Poong Maykapal sa pagbibigay ng lakas at katatagan upang mapagtagumpayan ang laban kontra COVID-19.

“We would like to thank our healthcare workers for their courage and compassion, our LGU and MHO for their support, the community at large, our generous donors, and to our Almighty God for giving us strength in overcoming adversity,” pahayag nito.

Dagdag pa ng pamunuaan ng ospital na mananatili silang bukas para tumanggap ng mga pasyente, may COVID-19 man o wala. (FSC)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: contact@sentineltimes.net
WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon