Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Año sa pagsasailalim ng Lalawigan ng Quezon sa GCQ: Quezon is OK

By Nimfa Estrellado May 8, 2020 DILG Secretary Eduardo Año (Screengrab from YouTube) Inaasahang ibababa ang total lockdown ng lalawi...

By Nimfa Estrellado
May 8, 2020



DILG Secretary Eduardo Año (Screengrab from YouTube)



Inaasahang ibababa ang total lockdown ng lalawigan ng Quezon sa general community quarantine (GCQ), ayon kay Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa programa ng 24 Oras kagabi (May 7, 2020).

Sinabi rin niya na ang San Juan at Valenzuela ay inaasahang ibababa rin sa GCQ.

Ang tatlong lugar na ito ay kasalukuyang nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), ang mas matinding uri ng lockdown na nakatakdang matapos sa May 15, subalit sa kadahilanan ang kanilang infection rate para sa COVID-19 ay bumaba na nang malaki ito ay naging sapat para imungkahi ni Año na ang kuwarentine ay maaari ng magluwag.

“San Juan’s doubling rate [of infections] has gone down; Valenzuela is also another example. That means there is a possibility that they could go under GCQ. Quezon is also OK, it’s not too [high],” sabi ni Año.

Gayunman, sinabi ni Año dahil sa kanilang mataas na rate ng coronavirus infections, maaaring ma-extend pa ang ECQ sa Rizal, Albay, Zamboanga City, Davao City at Cebu City.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




“What we can do is [to quarantine] a localized area. So we can confine three or four villages or a single province or municipality so that the rest of the province can move. Other areas can be placed under GCQ so people can be allowed to work,” sabi ng secretary.

“We are shifting our strategy from [total] lockdown to modified because we have already increased our [testing] capacity,” dagdag niya pa.

Bagaman isinasaalang-alang pa rin ang isang lockdown, pinapayagan ng GCQ ang mga residente na magtrabaho sa kani-kanilang mga pinagtatrabahuhan, kahit na ang kalahati ng mga empleyado ng isang kumpanya ay mananatili sa ilalim ng isang work from home scheme. Ang mga kawani lamang ng frontline tulad ng mga empleyado ng grocery store, mgadelivery men at mga healthcare professionals ang pinapayagan na magtrabaho sa isang ECQ.

Sa isang post sa Facebook noong Mayo 8, 2020, sinabi ni Arnel Avila, Executive Assistant II at Chief ng PIO (Pubic Information Office) ng Lungsod ng Lucena, ang Quezonian ay patuloy na maging maingat upang matiyak na ang coronavirus ay hindi na kumalat sa lalawigan.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




“Bagamat medyo magaan ang restrictions ng GCQ compared sa ECQ, andon pa rin dapat ang mga basic guidelines na dapat nating sundin lahat at hindi tayo dapat maging relax. Of course, bawat isa sa atin ay may tungkulin at higit sa lahat, ANG BAWAT ISA AY MAY RESPONSIBILIDAD.LET'S all keep our fingers cross na sana nga ay tuluyan na tayong makahulagpos sa pandemyang dulot ng CoViD-19.” ayon pa kay Avila.

Ayon sa ulat ng bagaman ang plano ni Año na ilagay ang Valenzuela at San Juan sa ilalim ng GCQ, tatalakayin ng Metro Manila Council ang posibilidad na ma-extend ang ECQ sa National Capital Region hanggang June 15,

Dahil sa mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa San Juan, Mandaluyong, Makati at kanyang home city, si Parañaque Mayor Edwin Olivarez, pinuno ng konseho, ay nagsasabing gagawin nila ang naturang rekomendasyon sa pambansang pamahalaan.

Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay mayroong 10,343 COVID-19 na mga kaso na naitala, 685 na namatay at 1,618 na na-recover.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon