Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

Antipolo itutuloy ang E-Botika at E-Palengke kahit sumailalim sa GCQ

By Kier Gideon Paolo M. Gapayao
May 15, 2020



(Larawan mula sa E-Botika Facebook Page)



LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal - Inanunsyo ni Antipolo City Mayor Andrea Ynares na magpapatuloy ang operasyon ng E-Botika at E-Palengke sa lungsod sa kabila ng pagpapatupad ng General Community Quarantine sa darating na Mayo 16.

Ayon sa Official Facebook page ng alkalde, magiging limitado pa rin ang paggalaw kahit naka-GCQ na ang lalawigan ng Rizal kaya naman itutuloy pa rin ang mga libreng online service na ito na naglalayong bumili ng pagkain, pangunahing pangangailangan at gamot sa bahay imbes na lumabas pa ang mamamayan.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




"Sa loob ng halos 2 weeks, libo-libo na ang nadeliveran ng gamot at mga pagkain galing sa CMA (City Market of Antipolo). Ganun pa din... No delivery fee. No service charge," dagdag pa ni Mayor Ynares.

Maaring magpabili sa mga serbisyong ito sa pamamagitan ng pagpunta sa mga Facebook pages nila sa https://www.facebook.com/AntipoloEPalengke at https://www.facebook.com/antipoloEbotika.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___





(Larawan mula sa E-Palengke Facebook Page)

Ang operating hours o pagkuha ng mga order sa mga online services ay mula 9:00AM hanggang 12:00NN. Walang same day delivery para sa mga serbisyo at sa susunod na araw maipapadala. Ang kapag hindi naman umabot sa cutoff ay sa makalawa na maipadadala ang mga ipinabili.

Ang E-Palengke ay tumatanggap lamang ng cash on delivery payment habang sa E-Botika ay maaring magbayad sa pamamagitan ng GCash, Paymaya o cash on delivery.(PIA-Rizal may ulat mula sa Jun-Andeng Ynares Facebook Page)

0 comments:

Post a Comment



–>