Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Hindi sa COVID-19, kung hindi sa gutom

Editorial May 14, 2020 Pinalawig ang General Community Quarantine (GCQ) hanggang sa Mayo 31, 2020 sa mga lugar na itinuturing na high...

Editorial
May 14, 2020





Pinalawig ang General Community Quarantine (GCQ) hanggang sa Mayo 31, 2020 sa mga lugar na itinuturing na high risk, at kabilang dito ang CALABARZON Region IV-A.

Ayon sa mga apektadong residente, pinalawig rin ang kanilang pagdurusa.

"Hindi kami mamamatay sa COVID-19, kung hindi sa gutom at depresyon sa stress," pahayag ng isang 66-taong gulang na residente ng San Pablo City, Laguna.

Ayon pa sa kanya, ang sinasabing ayuda ng gubyerno-pagkain, bigas, at pinansyal ay mga pili lang ang binibigyan.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Bukod doon, binabawasan pa umano pagdating sa barangay.

"Dalawang kilong bigas, isang maliit na sardinas at isang maliit na pack ng noodles, 3 beses kami tumanggap sa loob ng 2 buwan? 5 pamiya kami sa pamilya. Gutom talaga," himutok ng isa pa.

"Hanggang ngayon, wala pa ang Social Amelioration Program financial assistance ng DSWD pero, isang buwan na kaming pinapirma sa form. Meron pa kaya kaming matatanggap?", saad naman ng isang ginang.

"Ah, tinatapat na kami ng DOLE. Wala na raw pondo, kaya itinuturo na kami sa DOF na lang daw," ayon pa sa isang nawalan ng trabaho at kita dahil sa ECQ.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Bakit nga ba? What is happening in this country?

May mga lugar na mapalad, sagana sila sa natatangga na ayuda, pero mas marami yata ang malas-nganga.

Sa gitna ng krisis, umiiral pa rin ang pamumulitika at korapsyon.

Yaang mga walang budhi diyan, mga korap, tiwala at magnanakaw sa kaban ng bayan-kayo sana ang tamaan ng COVID-19.

God Save the Philippines.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon