Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

LGU Sta. Cruz bumuo ng Task Force Patlang na tututok sa pagpapatupad ng 'social distancing measures'

By Rachel Joy Gabrido May 22, 2020 Paglulunsad ng Task Force Patlang na pinangunahan ni Mayor Edgar San Luis noong Mayo 18, 2020. BA...

By Rachel Joy Gabrido
May 22, 2020




Paglulunsad ng Task Force Patlang na pinangunahan ni Mayor Edgar San Luis noong Mayo 18, 2020.

BAY, Laguna – Ang Lokal na Pamahalaan ng Sta. Cruz ay bumuo ng Task Force Patlang para sa mahigpit na pagpapatupad ng social distancing sa lokalidad na inilunsad noong Mayo 18, 2020.

Ang salitang “patlang” ay nangangahulugan ng espasyo o distansya na angkop sa tungkulin ng binuong Task Force Patlang na siyang makakatulong ng lokal na pamahalaan ng Sta. Cruz upang ipatupad ang mga social distancing measures sa kabila ng pandemya, at siyang magsasagawa ng pagsasaliksik, bubuo ng mga proposal at magmomonitor ng mga dokumento kaugnay ng kanilang tungkulin.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




“Task Force Patlang will be the right hand of the local government of Santa Cruz in the strict implementation of all social distancing measures from all key establishments down to barangay and sitio levels. (It is) a team that will provide researches, proposals and monitoring documents based on their tasked assessment.” Paliwanag ni John Ray Cedric Mainit, Tourism Officer-in-Charge (OIC) Head at OIC Local Youth Development Officer (LYDO) ng bayan ng Sta. Cruz.

Ayon kay Mainit, hangga’t kinakailangang isakatuparan ang pagpapanatili ng distansiya sa mga mamamayan dahil sa banta ng Coronavirus Disease o COVID-19 ay sisiguruhin ng lokal na pamahalaan na “functional” o kumikilos ang Task Force Patlang.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ang naturang task force ay pamumunuan ng mga indibidwal mula sa sektor ng mga kabataan, partikular ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan at mga youth volunteer na inatasan sa lohistikal na aspeto ng istriktong implementasyon ng nasabing precautionary measure katuwang ang Task Force Disiplina.

“All necessary actions will still be approved by the Municipal Administrator then after by the local chief executive,” dagdag ni Mainit. Aniya lahat ng magiging hakbang ng task force ay dapat pa rin umanong aprubahan ng Municipal Administrator at ni Mayor Edgar San Luis.

Sinabi naman ni Mainit na ang SK ang napisil nilang pinaka-angkop na mag-implementa ng Social Distancing measure sapagkat subok na nila ang partisipasyon ng mga ito.

Base umano sa assessment ng Local Youth Development Office, Nakita nila ang dedikasyon ng mga ito sa pag-asista upang masiguro ang seguridad sa kanilang mga barangay simula pa nang mag-umpisa ang community quarantine noong Marso.

Dagdag pa niya, matalino, masigasig at maparaan ang mga kabataan na isang malaking kapakinabangan para sa lokal na pamahalaan lalo pa at sila ang sektor na may sapat na kalusugan at hindi kasama sa mga tinatawag na “vulnerable” sa nakahahawang virus.

Tungkulin ng Task Force Patlang

Ang mga unang nakaatang na tungkulin sa Task Force Patlang ay ang pag-iinspeksyon ng mga establisyamento na may mataas na “crowd density” o kung saan madalas na puntahan ng maraming tao mula sa mga pangunahing establisyamento sa bayan ng Sta. Cruz hanggang sa mga nasa barangay at sitio.

Kanila rin umanong pag-aaralan ang epektibong paggamit ng mga pananda o markings at mga lathalain na naglalaman ng impormasyon kaugnay ng COVID-19 at mga paraan ng pag-iwas rito.

Lahat nang impormasyong makakalap nila sa inspeksyon ay siya naman nilang iprepresenta sa buong Task Force Patlang para sa sistematikong pagplaplano at pagbuo ng detalyadong panuntunan o guidelines na alinsunod rin sa nasyunal na panuntunan mula sa Inter-Agency Task Force (IATF), Department of Health (DOH), Department of Tourism (DOT) at iba pang mga ahensya.

Ang maaaprubahang panuntunan o guidelines naman ay isasangguni nito sa Task Force Disiplina na naatasan naman sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan para sa tuluyang pagpapatupad ng mga ito.

Magsasagawa rin umano ang Task Force Patlang ng pagsusubaybay o monitoring nang sa gayon ay malaman nila kung sakaling may mga dapat pang pagbutihin upang tuluy-tuloy na maisakatuparan ang panuntunan sa ilalim ng social distancing measure.

Ayon kay Mainit, ginagawa ng lokal na pamahalaan ang lahat upang huwag nang tuluyan pang kumalat ang virus sa kabila ng mga gagawing pagluluwag ng restriksyon sa kanilang bayan.

“This is a fight between saving the economy and saving lives. Mahalaga ang kabuhayan pero hamak na mas mahalaga ang buhay. In the long run we will see the effects of all our preventive measures. Disiplina at pagkakaisa ang kailangan,” sinabi niya sa huli.

Sa kasalukuyan, ang bayan ng Sta. Cruz ay nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) kasama ng iba pang lokalidad na bahagi ng lalawigan ng Laguna simula noong Mayo 16, 2020, at inaasahang sasailalim na sa mas maluwag na General Community Quarantine (GCQ) sa darating na Hunyo. (Joy Gabrido/PIA4A)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon