Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Los Baños namahagi ng ayuda sa mga magpapalay at magbubulaklak

By Charmaine Odong June 14, 2020 Nag-abot ng ayuda ang lokal na pamahalaan ng Los Baños sa mga residenteng magsasaka at magbubulaklak noong ...

By Charmaine Odong
June 14, 2020


Los Baños namahagi ng ayuda sa mga magpapalay at magbubulaklak
Nag-abot ng ayuda ang lokal na pamahalaan ng Los Baños sa mga residenteng magsasaka at magbubulaklak noong nakaraang ika-9 ng Hunyo sa pangunguna ni punongbayan Caesar P. Perez. (Larawan mula sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños)



LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna - Muling nagbigay ng ayuda ang lokal na pamahalaan ng Los Baños sa mga residenteng magpapalay at magbubulaklak sa pangunguna ni Mayor Caesar P. Perez noong nakaraang ika-9 ng Hunyo.

Ito ay bahagi ng suporta sa patuloy na isinasagawang pagpapalakas ng mga programang pang-agrikultura.



Batay sa opisyal na pahayag ng Municipal Government of Los Baños sa kanilang opisyal na Facebook page, partikular na sinusubukang palakasin ng lokal na pamahalaan ang produksyon ng pagkain sa larangan ng agrikultura upang masiguro na may matatanggap ang bawat mamamayan ng munisipalidad na makakain ngayong panahon ng krisis.

Hinikayat ng punongbayan ang bawat mamamayan na suportahan ang mga local farmers gayundin ang pagpapaunlad ng urban gardening o home gardening sa bayan upang may mapagkukuhanan ng supply ng pagkain ang bawat pamilya.

“Atin pong suportahan ang ating mga farmers at paunlarin natin ang urban gardening (home gardening) sa ating bayan upang sa oras ng pangangailangan ay mayroon tayong makukuhang makakain sa ating mga pang-araw-araw,” ani Mayor Perez.

Inaanyayahan ang mga residente na magtungo sa Office of the Municipal Agriculturist o tumawag sa 531-7849 para sa mga may katanungan o nais humingi ng binhing pananim. (CO/PIA4A)

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon