Inuman ng magkapatid sa Angono, nauwi sa pananaksak

by Go Rizal January 24, 2022 (Photo from Wikimedia Commons) ANGONO, Rizal - Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng sariling kapati...

by Go Rizal
January 24, 2022


Inuman ng magkapatid sa Angono, nauwi sa pananaksak
(Photo from Wikimedia Commons)






ANGONO, Rizal - Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng sariling kapatid habang nag-iinuman sa Barangay San Isidro, Angono, Rizal, ayon sa ulat nitong Lunes.

Batay sa ulat ng Calabarzon police, umiinom ng alak sina Jerry Cabiling at ang kanyang kapatid na si Jesus bandang 6:20 ng gabi sa bahay ni Jesus.



Nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng magkapatid na siyang nagtulak kay Jesus na kumuha ng patalim at pinagsasaksak si Jerry sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dinala si Jerry sa pinakamalapit na ospital, ngunit binawian na ng buhay bago pa umabot sa pagamutan.



Samantala, nakatakas si Jesus matapos ang pananaksak, ngunit naaresto rin ng mga pulis sa isang follow-up operation. (with report from Delfin T. Mallari Jr./Inquirer)

Related

Rizal 8976557148291392966

Post a Comment

emo-but-icon

Follow Us

Health

Advertisement

Latest News

Hot

Comments

Advertisement

About Us

Sentinel Times is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper. We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates.

Connect Us

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at020 Lt. Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines 4301 Lucena, Philippines.
TELEPHONE: +63 (42) 717-6108
CELL: + 639279385896
E-MAIL: contact@sentineltimes.net
WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon
item