by PIO Lucena/ R. Lim Dahilan sa mahigpit na paglaban sa illegal na droga sa kanilang lugar, nalalapit nang ideklara ang apat na barangay ...
by PIO Lucena/ R. Lim
Dahilan sa mahigpit na paglaban sa illegal na droga sa kanilang lugar, nalalapit nang ideklara ang apat na barangay sa lungsod bilang “drug free”.
Dahilan sa mahigpit na paglaban sa illegal na droga sa kanilang lugar, nalalapit nang ideklara ang apat na barangay sa lungsod bilang “drug free”.
Ito ang isang magandang balita na inihayag ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa ginanap na launching ng Project USAD ng Lucena City PNP kamakailan.
Ayon kay Mayor Dondon Alcala, tinatarget nila ng Lucena City Police na ideklara ito bago matapos ang kasalukuyang taon.
Dagdag pa ng alkalde, bagamat aniya alam na ng mga kapitan ng barangay kung sino ang idedeklarang wala nang ipinagbabawal na gamot sa kanilang lugar ay kanila munang hindi ito ipaaalam sa iba upang maging halimbawa ito sa kapwa nila kapitan.
Ang pagdedeklara ng apat na barangay na ito bilang drug free ay isang hamon na rin sa iba pang barangay sa lungsod upang mas paigtingin pa ang kanilang kampanya laban sa illegal na droga sa kanilang lugar.
Isa rin itong paraan upang tuluyan nang masawata at mawala ang mga illegal drugs sa Lucena.
Nanawagan rin si Mayor Alcala sa lahat ng mga opisyales ng barangay sa lungsod na magsama-sama at magtulong-tulong upang labanan ang illegal drugs sa Lucena.
Nanawagan rin si Mayor Alcala sa lahat ng mga opisyales ng barangay sa lungsod na magsama-sama at magtulong-tulong upang labanan ang illegal drugs sa Lucena.
Samantala patuloy pa rin namang nag-iisip ng mga pamamamaraan at hakbang ang pamahalaang panlungsod sa pangunguna ni Mayor Dondon Alcala at ang Lucena City PNP sa pamumuno ni PSupt. Dennis De Leon ng mga pamamaraan upang tuluyan ng maiwaksi at mawala ang illegal na droga sa lungsod at maideklara ito bilang “Drug Free City”. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments